Reception

6.4K 268 83
                                    

Yna

Nakaupo ako sa mesa sa reception, nasa tabi ko si David. Tahimik kong pinagmamasdan si Tita Amor at si Gob na parang hindi nagdaan ang panahon at pagsubok sa tamis ng tinginan nila. Nakakainggit.

Sinasabi ng utak ko na masaya ako para sa kanila pero yung puso ko nadudurog sa tuwing banggitin ko ang salitang masaya.

Dahil matagal ko ng hindi naramdaman yan. Matagal na akong hindi masaya.

"Yna.." tawag ni David sa akin.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti na labas ang ngipin. Minsan naiisip ko kung alam kaya niyang nahihirapan na ako?

"Tulala ka na naman. Iniisip mo na naman si Angelo." sumimangot siya. Palagi siyang ganito. Palagi niyang pinapaalala sa akin na siya ang pinili ko. Palagi niyang pinapaalala sa akin na araw araw mali ang desisyon ko.

Pero hindi ko magawang magalit sa kanya kaya patuloy akong nagsinungaling sa kanya at sa sarili ko "Hindi, tinitignan ko lang si Tita Amor at si Gob. Ang saya nila no?"

Bigla niyang kinuha sa akin ang kamay ko "I want to be happy like them too Yna." parang nakikiusap sa akin ang mga malalalim niyang mata.

Gusto kong sumagot na "Ako din gusto kong sumaya ng ganyan kasama si Angelo." nagsusumigaw ang kalooban ko.

Nahalata niyang wala ako naging sagot kaya binitawan na rin niya ang kamay ko. Hanggang kailan ko ba to gagawin? Napapagod na ako. Gusto ko ng tumakbo. Tumakbo sa kanya.

"Okay, lahat ng single guys diyan gather around..gather around..it's time for the tossing of the garter." sabi ni Takong sa mic in his comedic stints.

Nagsitayuan naman ang ibang mga lalake na nasa reception para sa agawan ng garter, traditional wedding program.

Naghahanda na si Gob para ihagis ito ng sumigaw si Kabayan "Wait, wait we are not complete...wala pa yung kakambal ko." at tinakbo niya ang kinauupuan ni Angelo at pilit siyang sinasama.

"Kabayan ayoko nga...kaw na lang,busy akong tao." narinig kong sabi niya.

Pero ang kulit ni Kabayan at nahila siya sa gitna. Hindi ko na napigilan na mapalingon. Nakita ko siyang tumatawa. At bigla naman akong nalungkot.

Inikot ikot ni Gob ang garter hanggang sa ihagis niya pataas, parang mga basketball player naman ang mga lalakeng sumali na inaabangan ang pag baba ng garter sa mga kamay nila.

Nasa likuran lang si Angelo at hindi nakikigulo sa kanila. Parang gumaan ang pakiramdam ko sa nakikita ko.

Nagulat pati ako ng makita kong sa kamay niya nahulog ang pinagaagawang garter. Bigla akong kinabahan.

Naghiyawan ang mga tao sa reception at nagpalakpakan. Lahat sila masaya na si Angelo ang nakakuha ng garter.

"Okay, Sir Angelo congratulations..Maupo ka muna dito. Now it's time to find your future bride.. tossing of the bouquet naman tayo..all the single ladies...all the single ladies diyan.. gather around na tayong mga girls.." sabi pa ni Takong.

Hindi ko alam ano ang sumapi sa akin at bigla akong napatayo papunta sa gitna.

"Yna where are you going?" masungit na pagsita sa akin ni David.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now