Menu

6.1K 284 62
                                    

"Macaspac!" galit na galit na pumasok si Angelo sa loob ng kitchen ng bagong tayo nilang Resto-Cafe, kung saan kasosyo niya si Yna.

Malayo pa lang si Angelo ay alam na ni Yna ang pakay nito. Hindi niya kasi sinangayunan ang menu na prinipose ni Angelo, kaya sa huli ay di rin ito inaprubahan ng investor para sa budget na para dito.

"Sige na iwan niyo na muna yan. Ako na ang bahala magtapos niyan." utos ni Yna sa cook niya.

Pinaalis na muna niya ang mga tao sa loob ng kitchen at alam niyang gagawa ng eksena si Angelo sa loob.

"Ano to?!" padabog niyang nilagay ang folder naglalaman ng proposal niya sa steel na mesa.

Nakapameywang niyang tingnan si Yna. Pigil na pigil ang bunganga ni Angelo na magsalita. Ramdam na ramdam ni Yna ang galit nito. His breathes were heavy trying to control an outburst.

"Di ba sinabi mo sa akin na maganda ang menu na ginawa ko? Na masarap at nagustuhan mo to?!" turo ni Angelo sa folder.

Nakatalikod si Yna sa kanya at patuloy na nagluluto at hindi hinaharap si Angelo.

"Sabi mo pa nga, papatok ang menu na to. Na sigurado kang makikilala ang resto-cafe na to dahil sa naisip ko!" pagpapatuloy ni Angelo.

"Yna..." unang beses narinig ni Yna na tinawag siya sa pangalan niya. Lagi kasing Chef o di kaya Miss Macaspac o Macaspac lang.

Napatigil siya si Yna sa pag halo ng kung anong niluluto niya sa kalan sa pag tawag ni Angelo sa pangalan niya.

Ilang taon na nga ba? Ilang taon na ang nakalipas? Ilang taon na ng huli niya itong marinig na Yna ang tawag sa kanya ni Angelo.

"Yna, alam mo kung gaano ko pinaghirapan to. At alam mo din kung gaano ko kagustong maaprubahan ang menu na to, nakasalalay sa pangalan ko ang pag reject ng investors dahil hindi mo sinangayunan to." pag didiin ni Angelo.

"Hindi mo alam kung paano ko inilaban yan sa kanila Angelo, hindi mo alam kung paano kita pinagtanggol sa kanila Angelo." sabi ni Yna sa kanyang isip.

"Sinubukan ko naman eh.." sabay lagay ni Yna ang gulay sa niluluto niya. Hindi niya tinignan ni Angelo.

"Hindi yan ang sinabi mo sa akin, nangako ka!" sabi ni Angelo sa nakatalikod na si Yna.

Mukhang tinamaan na si Yna sa mga salitang ginagamit ni Angelo. Pinatay niya ang kalan at saka hinarap ito.

"Hindi ko nakakalimutan yon, ang sinasabi ko lang ay hindi pa ito ang tamang panahon para diyan sa gusto mo--" sagot ni Yna sa kanya.

Umiling si Angelo na parang natatawa habang nagsasalita si Yna. Hinarap niya ito at nagiba ang timpla ng mukha.

"Tamang panahon?! Tamang panahon nanaman?!" tanong niya na may galit. "Putanginang panahon na yan Yna kailan ba yan magiging tama?!" sabay nagsibagsakan ang mga kaserola at ibang gamit sa kusina. Hindi na nito napigilan ang sarili sa galit niya.

"Gusto mong maghintay na naman ako?!" sabay lapit kay Yna na gulat pa rin sa sumabog na Angelo.

"Gusto mong tumabi na naman ako sa isang sulok habang umiikot at nagpapatuloy ang mundo sa paligid ko!" pagdamdam ni Angelo. May mga luhang tumatakas sa kanya mga mata.

Lumuha rin si Yna sa nakikita at naririnig niya.

"Hanggang sa maubos ako. Hanggang sa maubos ako Yna. Hanggang sa mapagod ako!!" hampas ni Angelo sa sariling dibdib. Tila kinakakawala ang sakit na dala dala niya ng ilang taon.

Alam ni Yna na hindi na ang proposal na menu ang pinaguusapan dito.

"Kung napagod ka,ibig sabihin...hindi mo ito ganun ka gusto." ang naging sagot sa kanya ni Yna.

Pilit na binabalik ni Yna ang issue sa proposal ni Angelo dahil hindi niya kayang pagusapan ang tungkol sa kanila. Takot siya na sa huli ay babagsak din ang dingding na tinayo niya. Kung paano natibag ang kay Angelo sa harap niya mismo.

"Buenavista, kung ang issue mo dito ay ang menu mo,hayaan mo irereconsider--"

Hinila niya sa braso si Yna at sinandal sa pader.

"Bullshit Yna!! Alam mo bullshit lahat ng sinasabi mo!!" sigaw niya sa mukha nito.

Gulat na gulat si Yna at pilit siyang kumakawala sa pagkahawak sa kanya ni Angelo sa magkabilang braso.

"Angelo!" sigaw naman ni Yna

"Napakaselfish mo! Pagdating sa akin, pag dating sa atin, napaka duwag mo!" tinignan niya ito derecho sa mga mata.

Hindi sumasagot si Yna,pilit lang nitong kumawala sa mga hawak ni Angelo pero hindi siya nagtagumpay.

"Ako pa rin di ba Yna?" bulong nito sa kanya.

Tumigil sandali si Yna sa pagpupumiglas dahil sa narinig nitong tanong.

"Bitawan mo ko!"

"Ako pa rin di ba?! HANGGANG.NGAYON.AKO PA RIN ANG MAHAL MO DI BA?! AMININ MO!"

"OO. Ikaw pa rin!! Kahit anong sabi ko na hindi na pero oo ikaw pa rin!!" sigaw ni Yna sa lumuluhang mata niya.

"Araw araw gumigising ako sa umaga na andito ka pa rin!" turo niya sa puso niya. "Hindi ka mawala..bakit ayaw mong mawala?" hagulgol ni Yna at umupo sa sahig.

"Kahit nakikita ko na may nagpapasaya sayong iba, mahal pa rin kita.." hampas niya sa mga paa ni Angelo.

"Ikaw pa rin.."

"Ikaw pa rin.."

Kinuha ni Anghelo ang isang kamay at itinayo si Yna.

"Ikaw pa rin.." pahina ng pahina ang hampas niya.

Tinignan lang ni Angelo si Yna habang lumuluha sila pareho.

"Bakit ikaw pa rin Anghel--" hinila ni Angelo si Yna at hinalikan ito ng buong puso.

Hinapit niya si Yna sa bewang sabay pagkapit ni Yna sa leeg niya habang itinaas siya ni Angelo sa counter. Tinaggal ni Angelo ang suot niyang apron at chef's hat. Ganun din kay Yna.

Suot ang kanilang puting uniporme, nagluto sila ng kakaibang pagkain sa kusina ng oras na yon.

Nasa gitna ng mga hita ni Yna si Angelo. Mahigpit ang hawak sa likod niya. Malalim ang halikan nilang dalawa. May bakas na mga luha sa kanilang mga mata.

Umurong pa ng kaunti si Angelo papunta kay Yna dahilan para magbagsakan ang mga sandok at kaserola. Pero hindi sila tumigil.

Walang bumitaw sa halik. Patuloy silang nagpa agos sa kanilang mga damdamin.

Pagkatapos ng higit limang minuto na walang tigil na halikan at haplos,tinapos ni Angelo ang sandaling iyon ng mumunting mababaw na halik. Saka tinignan ang gulo gulong buhok at kunot na uniporme ni Yna.

Pinagdikit niya ang kanilang mga noo,ngumiti siya at sinabing "Ikaw pa rin Yna. Walang nagbago, ikaw pa rin." ♥













A/N: Para sa lahat ng Team Stars
  HAPPY 25th

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon