Nagbalik

5K 237 92
                                    

Nakaupo si Angelo sa may bintana at nilalaro ang strings ng gitara. May gusto siyang tugtugin pero hindi niya mahanap sa loob kung alin ito. Para siyang naghahanap ng mga salita para ipabatid ang nararamdaman niya pero parang kulang.

Simula ng gabing nagtagpo sila ni Yna, hindi lumipas ang isang araw na hindi niya ito naiisip. Binabalik balikan niya ang itsura ni Yna ngayon. Iba na nga siya. Iba na sa dating Yna na nasaktan niya. Si Yna na minahal siya.

Pakiramdam niya ay parehas pa rin siya. Siya pa rin ang Angelo na mahal si Yna.

Tumingin siya sa bintana at nakita niya ulit ang mga bituin.

Naisip niya kung ilang beses niya kinausap ang mga bituin sa langit na sana okay si Yna. Napapangiti siya dahil dininig pala siya nito.

Narinig ni Angelo na parang may bisita sila sa labas dahil maingay na naman si Kabayan. Ilang saglit lang ay pinuntahan na siya ni Kabayan sa kwarto at naabutan siya sa bintana na hawak ang gitara.

"Gelo! Halika papakilala ko sayo yung sinasabi ko nung isang araw pa..yung chicks na sinusupplyan natin ng cupcakes mo." pangungulit ni Kabayan.

"Ayan ka na naman eh. Gabing gabi na chicks pa rin nasa isip mo."  tinawanan siya ni Angelo.

Simula ng dumating si Yna ay panay na ang build up ni Kabayan kay Yna para kay Angelo. Lagi siyang kinukwentuhan nito tungkol sa babaeng customer nila. Pero hindi siya pinapansin nito dahil etong mga nakaraang araw ay hindi maalis si Yna sa isip niya. Hindi niya alam sila pala ay iisa.

Lumabas na si Angelo at Kabayan sa kwarto, naglakad na sila papunta sa may dining area kung nasaan ang bisita. Nasa unahan ni Angelo si Kabayan at hindi makita ni Angelo ang bisita dahil nakaharang si Kabayan sa kanya.

Nakatalikod din si Yna nakaupo katabi ni Monay.

"Eto na ang apo ko, ang Master Baker namin Kristyna...si Gelo." pagpapakilala ni Lolo Greggy kay Angelo.

Tumigil sa paghakbang si Angelo sa narinig niyang pangalan. "Kristyna?" tanong niya sa isip at tinabi niya si Kabayan para makita ang babaeng kapangalan ni......"Yna?" bulong niya.

Natulala lang si Yna sa lalakeng ilang hakbang lang ang layo sa kanya. Siya nga. Si Angelo nga. Umayos siya ng upo at umiwas ng tingin kay Angelo.

Wala sa sarili si Angelo ay lumakad siya papunta sa kabilang bahagi ng mesa katabi si Kabayan. Ngayon ay magkaharap na sila ni Yna.

Ipinakilala silang dalawa at nagkunyaring ngayon pa lamang sila nagkakilala ni Angelo. Walang pagdududa si Kabayan at Monay pero hindi si Lolo Greggy.

Patuloy lang sila sa kanilang paguusap ng banggitin ni Lolo Greggy kay Yna.

Bigla namang nag away si Monay at Kabayan dahil may nakita itong text sa cellphone galing sa isang unregistered number.

Kaya nagselos nanaman ang asawa niya at inaaway siya.

"Kabayan, pag eto bang si Monay ay nakahanap ng iba ay magsisi ka?" tinanong siya ni Lolo Greggy.

Sumimangot si Kabayan at sinabing "Oho naman Lolo Greggy, yan ang pinakapagsisihan ko sa buhay ko."

Hindi alam ni Yna kung seryosong away naba to ng magasawa dahil nagtatawanan lang naman si Lolo Greggy at si Angelo.

"Gelo, akin na mga yang gitara at kakantahan ko na lang tong asawa ko." saka inabot naman ni Angelo ang gitara.

Pinapanood nila si Kabayan sa pag buwelo ng tugtog. Ilang strums pa lang ay parang pamilyar na ang kanta.

"Yna, iha.." biglang tawag sa kanya ni Lolo Greggy. Tumingin siya kay Lolo Greggy "...ikaw may mga bagay ka din bang pinagsisihan mo?"

Nabigla si Yna sa tanong sa kanya. Ramdam niyang umangat ang tingin ni Angelo sa kanya.

Ako ay nagbalik, sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad

Parang nanuyo ang lalamunan ni Yna.

"Marami po Lo.." sagot ni Yna.

Patuloy lang sa pag kanta si Kabayan, na siyang sinasabayan ng damdamin ni Yna sa sandiling iyon.

Nadanas kong lungkot, nang kita'y aking iwan
Na 'di pa dinanas ng sinuman

"Pero ang pinaka pinagsisihan ko talaga ay yung minsan may binitawan ako.." sabi ni Yna ng buong tapang at nakatitig kay Angelo.

Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan

" Sana mas kumapit ako para hindi ako naitangay ng pagkakataon." pagpapatuloy ni Yna. "Pinagsisihan kong bumitaw ako." at yumuko siya sa huli niyang salita.

Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti.

Hindi maintindihan ni Angelo kung ano ang mga ibig sabihin ni Yna pero alam niya kung ano ang itinutukoy nito.

"Ikaw Gelo may mga pinag--?" balik ni Lolo Greggy ang tanong kay Angelo.

Init ng 'yong halik, wala nang kasing init
Yakap pa rin nito yaring isip

"Pinagsisihan kong pumayag akong bitawan niya ako." sagot nito agad na nakatingin ng direcho kay Yna sa mata.

Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan

"Pinagsisihan ko yon Lolo. Dahil walang nagbago. Hanggang ngayon..."

Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang 'yong ngiti.

"...mahal ko pa rin pala siya." sabi ni Angelo kay Lolo Greggy pero nakapako kay Yna ang mga mata.

Nanatiling nakayuko si Yna at di alam kung ano ang gagawin. Kahit na ang gusto niya talaga ay tumakbo kay Angelo at yakapin siya ng mahigpit na mahigpit.

At muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko,
Parang yakap ko ang langit

Unti unti inangat ni Yna ang mga mata na akala ay hindi na nakatingin si Angelo sa kanya pero hindi pa rin nito tinanggal ang titig kay Yna simula ng umupo ito sa harap niya. Nagtutubig ang kanilang mata, nangungulila sa isat isa.

At yakap ko pati ang 'yong ngiti
Ang 'yong ngiti

Patuloy lang sa pagkanta si Kabayan na walang alam sa nangyayaring pag bubukas muli ng kahapon ng dalawang taong nagmamahalan dahil lang sa isang kanta.

Ngumiti si Angelo kay Yna. Ngiting may halong lungkot at pagsisi. Ngiting may kirot,may sakit dala ng alaala nilang nagbabalik.

Ngumiti lamang si Lolo Greggy sapagkat alam niyang nasabi ng dalawang puso ang nais nitong iparating.

















A/N : Try niyo lang iplay ang media baka magustuhan niyo. I just thought na perfect ang song para sa scene na naisip ko. Hehe. Goodnight. Lets all watch #PSYMuli later.
#HLWILY will be updated tonight.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesKde žijí příběhy. Začni objevovat