CHAPTER 1✔

1.2K 45 14
                                    


Erza's POV

"Hi miss, pwede bang makuha ang phone number mo? *wink*"

*boogssh*

"Ooooh... Sapul! Sorry po kuya."~Lucy

Tsss. Ang tigas ng mukha ah.

"Erza, ba't mo sinuntok?"

Saglit lang akong tumingin kay Mira tapos kinuha ko na ulit yung backpack ko na nahulog kanina.

"Manyak." Banggit ko. Totoo naman eh. Tsaka mukhang adik.

Sabay na umiling yung tatlo at bumuntong-hininga nalang din ako.

Ganito nalang lagi.

Kapag namamasyal kami ng mga kaibigan ko, may lumalapit sakin na hindi ko kilala kaya may nasusuntok ako. Ewan. Naiinis ako sa kanila.

"Sobrang lala na siguro ng allergy mo!" Nagtaka akong tumingin kay Lucy. Anong allergy ang pinagsasabi nito? Wala naman akong maalalang may allergy ako ah.

"Men allergy. Isang uri ng sakit na ikaw lang siguro ang meron." I rolled my eyes at them. At talagang pinagtutulungan nila ako ah?

Tama,isa akong man hater at amazona.

Well, I'm Erza Scarlet. 19 years old. Matangkad,maputi, may mahabang pulang buhok,

at...

(A/N: Sexy at maganda *u*)

Yan ang sabi nila pero hindi ako naniniwala.

Ito naman friends ko, sina Lucy, Mira, at Juvia. BFF kami since highschool.

Ang dami narin naming pinagdaanan. At sa mga pinagdaanan naming yun, matatag parin namin itong nalampasan.

"Tapos na breaktime natin, balik na tayo sa school."~Juvia

30 minutes kasi ang break time namin. Nagyaya si Juvia na mamasyal dun sa bagong bukas na mall na malapit lang dito sa school. Ayun, nakapuslit kami.

Bumalik kami ng school campus. Iniwan namin yung lalaking tulog na tulog sa tabi ng kalsada.

Pffft. Parang mahina nga lang ng suntok ko sa kanya.Ang OA naman masyado.

***

Nakabalik kaagad kami sa school na parang walang nangyari. We had our classes at may surprise quiz pa. Buti nalang at nakapag-review ako kagabi.

"Psst!"

"Uy Erza!"

Lumingon ako sa katabi kong si Warren. Aba, nakakaistorbo na eh. Nagc-concentrate ako tapos sya nang-iistorbo.

"Bakit?"

"Pakopya." Bulong nito na syang nagpasalubong ng kilay ko. Sumulyap ako sa guro namin na busy kakatitig sa laptop nya. Mukhang wala syang alam na gumagalawan na itong mga kaklase ko.

Binalik ko ang tingin kay Warren. "Ulul! Magdusa ka sa katamaran mo!"

"Sungit. Madamot." Narinig ko pang bulong nya. Bigwasan ko sya dyan eh.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsagot.

***
Ako ang naunang matapos kaya nauna akong lumabas ng classroom. Wala na kaming susunod na klase, vacant eh. Hihintayin ko nalang na matapos yung tatlo.

Dumiretso ako sa field at umupo sa bench. May nagpapraktis na soccer team. Siguro naman pwede kong panoorin, pampawala ng bagot.

"Bilis mong natapos ah!" Tanong ni Juvia nung dumating sila makalipas ang ilang minuto. Lumapit sya at umupo sa tabi ko, nakasunod naman yung dalawa.

"Madali lang naman." Tugon ko. Pero kung hindi ako nakapagreview kagabi baka wala rin akong maisagot.

"Tss. Ewan ko nalang, babagsak yata ako sa exam nayun." Saad ni Lucy. Pumapalakpak pa sya nung nakagoal ang favorite player nya.

"Kyaaaaaa~"

Napatakip ako ng tenga dahil sa sigaw nila. Seriously? Ba't di ako makarelate sa kanila?
-_-

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now