CHAPTER 23✔

487 17 0
                                    

Erza's POV

Pagkarating ko sa bahay namin, dumiretso ako sa kwarto at kinuha ang baril. Isinilid ko iyon sa isang backpack, pati na ang costume ko bilang Titania.

"Anak, san ka pupunta?"

Tanong ni mama nung makita nya akong pababa ng hagdan. Dumako ang tingin nya sa aking backpack.

"May pupuntahan lang ako ma." Sagot ko saka ngumiti ako sakanya. Kilala ko si mama, lagi nya akong pinagdududahan dahil ang weird daw ng mga kilos ko. Hindi ko naman sya masisisi dahil marami naman talaga akong tinatago sa kanya.

"O sige mag-ingat ka anak."

Lumabas ako ng bahay. Hanggang sa makarating ako dun sa may lumang bahay na walang tao. Pumasok ako doon at nagbihis. Sinuot ko ang aking costume. Mabilis kong in-assemble ang baril at nilagay sa gunpocket na nasa upper right leg ko. I also brought some ammunition.

"Kailangan ko tong tapusin ngayon." Bulong ko.

Jellal's POV

*vbbbb*vbbbb*

Lyon calling.....

"Yes, Lyon..."

<Jellal,nandito na ang mga impormasyong kailangan mo.>

"Anong nalaman mo?"

Umupo ako sa sofa at nagsalin ng wine sa baso.

<Hindi naman pala basta-basta ang Erza na'yan. She's a former member of Phoenix.>

"Fvck!" Kamuntikan pa akong masamid. Pero takte! Si Erza, mafia member?

Sabagay, nagawa nya ngang patumbahin ang mga bumugbog sakin noon eh. Tsss.

<Umalis sya sa Phoenix at pinalabas na patay na. Pero ayon sa nadiskubre ko, pinaghahanap na sya ng mga kasamahan nya.>

Tumahimik lang ako at nag-isip. May kakaiba nga sa mga kinikilos nya. Maybe she received some kind of.... Threats?

"Is that all?"

<Yeah. Ang hirap manghagilap ng impormasyon tungkol sa kanya. But someone from the underground site gave me the information, with good amount of money of course. >

"Salamat. I'll return your money, don't worry."

<No worries. Wag mo nang isipin--->

"No. I'll send it to your bank account later. Thanks again."

Erza? Mafia? Kung totoo ngang nakakatanggap sya ng banta, maaaring nanganganib ngayon ang buhay nya.

Erza's POV

Narating ko ang hide-out ng Phoenix. At dahil kabisado ko ang lugar, di na ako nahirapan sa mga pasikot-sikot. Maraming bantay pero hindi ako nagdalawang-isip na barilin sila. I used a silencer para di maka-agaw ng atensyon.

Bawat kalabit ko ng gatilyo, lumalakas ang kalabog ng dibdib ko. Alam kong sa sitwasyon ko ngayon, para akong nakikipag-patintero kay kamatayan.

"Sh*t!" Daing ko nung may pumukpok sa likod ko. Parang panandaliang umikot ang paningin ko pero agad naman akong nakabawi. Lumingon ako at itinutok ang baril.

"L-laxus..."

Siya nga. Kanang-kamay ni Sting and of course, isa sya sa mga pinakamahusay na myembro ng phoenix.

"Titania. Buti naisipan mong bumisita." Mas lalo akong kinabahan sa mga ngiti nya.

"Gusto kong tapusin na natin ito. Nananahimik na ako pero ginugulo nyo ang buhay ko." Takte. Nanginginig yung kamay ko. Pero ayoko paring ipahalata sa kanya.

"Tsss. Walang tahimik na buhay sa Phoenix at alam mo yan, Titania."

"Pano mo nalamang buhay ako?" Mas humigpit ang hawak ko sa baril na nakatutok sa kanya.

"Hindi naman ako nakumbinsi sa sinabi ni boss na patay kana. Kaya nag-imbestiga ako at nalaman ko ang totoo."

Ngumiwi ako sa sinabi nya. I knew it! Pinaimbestigahan nya ako.

"And you know what? Kumita pa ako dahil sayo. I earned money because of your precious identity."

Tinaasan ko sya ng kilay. What the hell is he talking about?

"Well, nevermind. Isa pa, alam ko na naman kung sino ka talaga kaya wala ng dahilan para magtago ka sa likod ng maskarang iyan, Erza Scarlet." He smiled. An evil smile na mas lalong nagpakaba sakin.

"Kung ganun papatayin kit--"

*Bang*

Dang! Napahawak ako sa braso ko.

Napalingun ako sa likod kung saan nanggaling ang bala at nakita ko ang marami pang myembro ng Phoenix. Lahat sila nakatutok ang baril sakin.

Pinilit kong kunin ang baril ko mula sa sahig pero may sumipa sakin kaya hindi ko ito nakuha.

"Ang tapang mo para sumugod mag-isa dito."

Tiningnan ko ng masama si Laxus. Pero may humawak saking magkabilang braso kaya mas lalo akong namilipit sa sakit.

"Ugh!" Daing ko nung nahawakan ang parte na may sugat.

"Ikulong nyo yan!"

Sinubukan kong kumawala ngunit sinikmuraan lang ako ni Laxus kaya bumagsak ulit ako.

Dinala nila ako sa isang silid at kinadena.

"Magtanda ka Titania!" Huling sabi nya bago isara ang pinto.

Namamanhid na ang braso ko at marami-rami naring dugo ang nawala sakin. Mabuti nalang at kahit papano ay nakakagalaw pa ako kaya't tinanggal ko ang kapirasong balabal ko upang itali sa sugat.

Siguro ay katapusan ko na. Ito na yata ang kakahantungan ko.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now