CHAPTER 9✔

662 22 2
                                    

Jellal's POV

"Sir ano pong nangyari?"
A nurse asked as she approached us.

"Dammit! Bilisan nyo. Help her."

I said coldly. Tsk! Tanong ng tanong eh kita na ngang sugatan yung tao.

I took a final glance at her bago sya dinala sa emergency room. I sat down at nilapitan ako ng isang nurse.

"Sir medyo malala po ang mga sugat nyo. Kailangan po yang magamot."

"Fine."

Hinayaan kong gamutin nung nurse ang mga sugat ko. Sinabi nya pang dapat magpa-confine rin ako. But I said no. I'm fine, it's nothing.

After the treatment, I waited until the doctor said na pwede ng puntahan si Erza. Inilipat na sya ng room so pwede na syang puntahan.

I watched her sleeping peacefully on the hospital bed. Tsss. Bakit pa kasi sya nakialam? I can defend myself from those assholes!

But how did you do that, Erza? Sino ka ba talaga?

Erza's POV

Minulat ko ang mga mata ko. For the second time around, andito na naman ako sa isang lugar na pinakaayaw ko sa lahat. *sigh*

Then I saw a man staring at me. Nakasandal ito malapit sa pintuan.

"Tinitingin-tingin mo?"
Mataray na tanong ko.

"Tsss. Stupid."

Ano raw?

"Anong sabi mong lalaki ka?"
Galit na tanong ko. Tangna!

"I can defend myself from those assholes. Di ka sana nangialam." He said, emotionless.

I can defend daw. Tss. Eh kung di ako dumating malamang patay na sya.

"Is that your way of saying thank you? Well, I appreciate your gratitude mister. And for your information, wala naman talaga akong balak na tulungan ka. Kaso napakahina mo at di mo naman kayang ipagtanggol ang sarili mo. Kaya no choice ako at tinulungan nalang kita."

"Really? How can you say that?"

Aba! Baka magulpi ko to ng di oras. Sya na nga tong tinulungan eh!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina mama at papa pati narin sina Mrs. Amanda at Mr. Jacob.

"Anak! Okay ka lang? Ano ba kasing nangyari?"

Pag-aalalang tanong ni mama habang niyayakap ako. Ayokong mag-alala sila pero ito na talaga eh. Wala na akong magagawa.

"Okay na po ako ma. Gusto ko na nga pong lumabas."

I said and glared at Jellal.
Nakatingin lang sya sakin na blangko ang mukha. Agad naman nitong iniwas ang tingin at tumanaw sa labas ng bintana while puffing a cigarette.

"You should stay here iha. You're not yet fully recovered."~Mrs.Amanda

"Pero okay na po talaga ako. Wala lang p---"

"Anak."
I stopped as I stare at my mom's worried face. "Please makinig ka samin."

I nodded and lightly smiled at her. "Okay po. I'm sorry."

***

Now what will I do? I can't just lie here all day! It's making me sick.

"May kailangan ka ba, anak?" Mom asked as she approach me. Lumingon ako sakanya at bahagyang umiling.

"Gusto kong umuwi. Nakakabagot dito."

"Don't worry. Tinawagan ko na ang mga kaibigan mo. Papunta na sila rito."

O sh*t! Anong sasabihin ko sakanila? Na ninakawan ako?
Nahold-up? Napagdiskitahan? Nyeta oh!

"Hindi na po kailangan. Baka makaabala pa sakanila."

Hindi sila maniniwala kung magsisinungaling ako. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon.

"Mukhang papunta na sila dito. Nakakahiya naman kung papauwiin ko."

Taena!

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now