Special Chapter3

431 16 2
                                    

Hi guyssss! Dahil sa umabot tayo ng 1k, may special chapter ulit! Syempre utang ko sa inyo ang 1k diba? Kaya ayan po, pasasalamat ko sa inyo. Lovelots :-*

PS. Pag nakaabot tayo ng 2k, sisikapin kong gumawa ulit ng special chap :-)

*******
"JERZA WEDDING SPECIAL"

Erza's POV

"Kumusta anak?" Tanong sakin ni mama sabay upo sa tabi ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa couch habang nanonood ng tv.

"Okay naman ma. Bakit?"

"Ewan ko sayo'ng bata ka. Hindi ka talaga matantya."

At talagang nanggaling pa yan sayo ma, ha? -_-"

"Ano po'ng ibig nyong sabihin?"

*paakkkk*

Nambabatok talaga?

"Hindi ka ba masaya anak? O excited man lang?" Pasigaw nyang sabi kaya medyo napaurong ako.

"Excited para saan?"

*paaaakkk*

-_-

"Ang slow mo Erza! Anak ka talaga ng papa mo. Syempre dapat excited ka! Baka nakakalimutan mo, kasal mo na bukas anak! Ikakasal ka na!"

Oo bukas nga yun. So ano naman?

"Oo nga po ma. Eh bukas pa yun eh. Alangan namang mauna na ako sa simbahan ngayon?"

*paaaakkkk*

"Namimilosopo ka pa. Naku!"

*silence*

"Pero alam mo anak, kahit ikakasal ka na ikaw parin ang nag-iisang baby namin."

"Syempre ma. Ako lang naman anak ny----"

"Tumahimik ka nga muna!"
Oo na. "Basta tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin ng papa mo. Kahit anong mangyari nandito lang kami para sayo."

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko nalang sya.

"Mahal na mahal din kita ma. Kayo ni papa."

********

"Okay na ang flower girls? Ang bride's maid?"

Mag-iisang oras na akong inaayusan pero hanggang ngayon di parin tapos.

"Charaaaan! Ang bongga mo te!"

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now