CHAPTER 5✔

804 27 0
                                    

Erza's POV

Walang pasok ngayon. As usual, nasa kwarto na naman ako nakatambay, kumain ng chicharon habang tinitingnan ang mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Inaabangan kong magsimula ang paborito kong anime. Mamaya pa kasi yun.

"Nak! Ibili mo nga ako ng groceries. May gagawin pa kasi ako."

"Opo."

Hindi na ako nagbihis. Bakit pa, eh mag-grocery lang naman ako?

I'm just wearing a simple jeans, shirt and sneakers. Hindi sa baduy ako manamit, hindi lang talaga ako fashionista. At inaamin ko yun.

Lumabas ako ng bahay upang bumili sa supermarket. Maglalakad lang ako. Malapit lang naman yun dito.

"Witwiw!"

Sinamaan ko ng tingin yung mga gagong sumipol sakin. Ki-aga aga nag-iinuman. Mga walang magawa sa buhay.

"Aba pre! Palaban."

"Ulul." Mahinang banggit ko. Napatigil ako nung may humawak sa balikat ko.

"Miss, anong sabi mo?"

"Ulul."

"Aba't---"

Sinikmuraan ko yung lalaki. Sinasayang lang nila ang oras ko. Mamaya di ko pa maabutan yung papanoorin kong anime.

Lumapit pa yung isa kaya sinipa ko naman sa kanyang 'the-part-that-hurts-the-most.' Ayan! Mabaog ka sana.

Dumiretso na ako sa paglalakad. Buti nalang maaga pa.

*splaaassshh*

O_o

Dapak? Ang damit ko bwisit! Sino ba kasi yung driver ng truck na dumaan at natalsikan ng putik ang damit ko?

"Kainis."

Sinamaan ko ng tingin yung truck. Pakyu! Walang modo. Sumemplang ka sana buset!

*booogggsshh*

Sipa ko dun sa sasakyang nakaparada na nadaanan ko. Eh sa naiinis ako eh!

O_o

Jellal's POV

Nakapark ngayon ang kotse ko sa tabi ng kalsada. Hinihintay ko yung dalawang kumag na bumili ng pagkain. Habang may hinihintay, I got my headphones.

*booogggsshh*

What the!

Napakunot ang noo ko nung biglang yumanig ang buong kotse. May sumipa ba?

Inis akong lumabas ng kotse at hinarap kung sino man itong naghamak sumipa sa Ferrari ko.

O_o

Si red haired amazona...

"Tss." Sumandal ako sa kotse at sinamaan sya ng tingin.

"S-sorry." She uttered awkwardly.

Sinulyapan ko yung parte na sinipa nya. Nayupi ng konti. Ibang klase talaga ang babaeng to. "Tsss. Bayaran mo ang sira."

"What? No way."

Oh tapos di sya magbabayad? Kapal.

"Sumama ka sakin."

I grabbed her arm at pinasok siya sa loob ng kotse.

Nagpumiglas sya pero pinilit ko parin. Susuntok pa sana sya sakin kaso nasalo ko ang kamao nya. Pssh. Malakas yun ah?

"Bitawan mo ako! Anong gagawin mo sakin ha?"

Pinaandar ko ang kotse. Walang tigil ang sigaw niya.
P*ta ang ingay!

"San mo 'ko dadalhin?"

"Babayaran mo ang ginawa mo sa kotse ko."

"Tsss."

Matapos nun, kumalma na sya. Buti naman. Baka di ako makatiis sipain ko to palabas.

**

Dumating kami sa bahay . Alam kong wala ngayon ang parents ko. At yung mga maids, hindi sila nangingialam.

Hinigit ko sya papasok.

"Aray ko. Kaya ko namang maglakad mag-isa. Huwag mo'kong hatakin, bwiset."

Agad naman akong napabitaw. "Tsk. Bilisan mo dyan."

I cursed mentally. The hell, Jellal! Get back to your fvcking senses.

"Sir, titimplahan ko ba ng juice yang bisita mo?" Tanong nung maid.

"No need." Agad kong sambit at dumiretso na sa taas. Nakasunod naman sakin si Amazona.

Halatang bugnot na bugnot.

Bahala sya dyan. Eh kung hindi nya lang sana sinipa yung Ferrari ko. Eh di sana walang problema.

"Ano pa bang gagawin ko? May pupuntahan pa ako." Reklamo nya. Tsk. May gana pa talagang magreklamo.

"Can't you wait?" Inis na tugon ko.

"May load ka ba? Makikitawag lang ako."

Seriously?

"Tsk. Bilisan mo." Binigay ko sakanya yung phone ko.

Lumayo sya ng kaunti bago tumawag.

"Hello, ma. Oo ako po to, nakitawag lang. Hindi pa po eh. Di po ako tutuloy, may importante lang akong pinuntahan. Sorry po... Bye."

Inabot nya sakin yung cellphone ko. "Salamat."

Good thing were here. "Follow me."

Now face your punishments, red-haired amazona.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now