CHAPTER 11✔

676 25 0
                                    

Mira's POV

"Ano ba kasing nangyari?" Hininaan ko lang ang boses ko, enough for the two of us to hear. Since wala rin naman syang balak umamin, ako nalang ang magpapaamin sa kanya.

"Tinulungan ko lang si Jellal. I don't really know the reason kung bakit sya binubugbog ng mga lalaking yun. Pero para bang di ko napigilan ang sarili ko."
Akala ko di sya sasagot. Akala ko magsisinungaling na naman sya. Kaya ipinagpapasalamat ko at pinagkatiwalaan nya ako.

Pero... Jellal? Yun bang lalaki kanina?

"Yung lalaking galing dito kanina? Kaibigan mo ba sya?"

"Hindi. Pero close ang parents naming dalawa."
Deritsong sagot nya.

Sandali akong pumikit para pakalmahin ang sarili ko.
"Alam mo bang maaari mo yung ikapahamak? Pano kung kilala ka nila? Erza naman! Kaya tahimik ang buhay mo ngayon dahil ang alam ng Phoenix grave, patay ka na. Kung nalaman nilang buhay ka, siguradong hahanapin ka nila."

"Hindi yun hahayaang mangyari ng pinsan ko."

Hindi. Hindi ganun kadali...

*flashback*

"Sigurado ka ba dito Erza?"

Nandito kami sa hide-out. Nagulat nga ako nang makita ko dito si Erza. Pati sina Lucy at Juvia gulat na gulat din.

"Wala akong choice. Di ko ginusto to." She said tsaka umupo sya sa sofa. Bale kaming apat lang ang nandito sa silid na ito. Nandoon kasi sa kabilang silid ang iba. Mahirap na baka makita nila ang true identity ni Erza lalo pa't wala pa itong costume at mask. Hindi na kami nagtataka na hindi nagulat si Erza na nandito kami. Noon pa man alam na nyang myembro kaming tatlo ng mafia. Pero hindi namin akalain na pati sya mapapasali rito.

Pero katulad rin pala siya sa sitwasyon naming tatlo. Napilitan lang rin kaming sumali sa Mafia nato, ang Phoenix grave na ang pinsan mismo ni Erza ang boss. Pero kaiba sa ibang Mafias, lahat kami dito sa Phoenix, hidden ang identity. We use our signature gears and costumes. Usually may takip ang mukha : masks, a cloth na half sa mukha lang ang revealed (ninja-mask type) and most girls wear super thick make up.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now