Special Chapter1

459 14 3
                                    

HEY! Dapat tapos na ang story na to eh! Pero naisipan kong gumawa ng special chap(s) {May 's' kasi malay nyo, madagdagan pa}. Wala lang, gusto ko lang ilabas yung ilan sa mga hindi masyadong nareveal na scene. Ah basta, basahin nyo nalang okay? Hihihi .

*****
Sting and Mira's......

Mira's POV (back when she was still a member of Phoenix Grave)

"B-boss.." Tawag atensyon ko. Amfufu! Bakit ba kasi ako ang inutusan nito? Nyetang Laxus, makautos akala mo sya ang leader.

"Bakit?"

I gulped hard. Nakakatense kasi yung boses, dagdag mo pa ang aura nya. Nakakatakot.

"S-sabi po n-ni Laxus m-may d-darating na bagong armas m-mamayang gabi."

He turned his swivel chair para harapin ako. Napatingin ako sa kanya, at ganun din sya. Syet! Bakit ba kasi ang gwapo nyang nilalang?

"Wag kang tumungo. Hindi kita makakausap ng maayos."

I gulped harder. Leche! Pahamak na Laxus. Mukhang mapapatay pa yata ako ng di oras.

"S-sorry po."

Inangat ko ng dahan-dahan ang ulo ko. Tapos napatingin ako sa mukha nya. Humanda ka Mirajane, sesermunan ka nyan!

"Pfft. Hahaha. Are you scared? Don't be. Hindi ako nangangain."

Literal namang lumaki ng mata ko. Luh? Tumawa si boss. TUMAWA SI BOSS!

"Eyeballs mo, malalaglag na." Dagdag pa nya. Dumoble pa ang ikinalaki ng mata ko.

"A....e...."

"Pffft. You're funny. Ikaw lang ang myembro ko na sobrang takot sakin. Well, takot naman talaga silang lahat sa akin pero sukdulan na yung sayo."

Eh kasi diba, basta leader ng mafia, ineexpect mong brutal at masama. Pero si Boss Sting. Iba eh.

"Ewan ko. Baka kasi masama ka." Sinapak ko ang sarili ko mentally. Wrong move Mira. Dapat di mo na sinabi yun.

"Masama naman talaga ako." Uwaaaahh! Wala na. Sponsor nyo na kape at tinapay oh! T_T
"Pero sa mga kaaway lang. Since member naman kita, mabait ako."

Tapos ngumiti sya. Waaah! Nakahinga ako ng maluwag! O wait---

O_o

NGUMITI SYA! MIRA! MAGHUNOS-DILI KA! ANG OA MO NA!

"Hehe. Ganun ba?" Yun lang ang naisagot ko. Great Mira! Great! Ang BOBO mo, buset.

"Hahaha. By the way, may gagawin pa kasi ako. Mamaya na tayo mag-usap ah?"

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now