CHAPTER 37✔

484 18 2
                                    

Erza's POV

Dammit! I can't sleep because of that fvcking kiss.

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama. Nagawa ko na lahat ng sleeping positions at nagbiglang ng karnerong ini-imagine ko pero takte! Di talaga ako dinadalaw ng antok.

Napabangon ako nung may bumukas ng pinto nitong kwarto ko. Kasabay nun ay ang pagbukas ng ilaw.

"Ma? Anong ginagawa nyo dito?" Ngumiti lang sya at lumapit sakin. Tumabi sya sakin ng upo dito sa kama.

"Bakit di pa po kayo natutulog?" Sinulyapan ko ang alarm clock na nasa mesa. "Malapit na pong mag-alas dose ah?"

"Narinig ko kasi ang panay na kalabog mula dito sa kwarto mo anak. Naisip ko na baka di ka makatulog. Nilalamok ka ba? Gusto mo magsindi ako ng katol?"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya.

"Wag po kayong mag-alala, wala pong lamok. Talagang di lang ako makatulog."

"Ha? Bakit anak? May iniisip ka ba? May problema ka bang gustong pag-usapan? Sabihin mo lang anak, nandito lang ako." Concern na tanong ni mama pero umiling lang ako at ngumiti.

"Pero ma may itatanong lang sana ako sayo."
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga bago magpatuloy sa pagsasalita.
"Na-try mo na po ba yung palagi mong naiisip ang isang tao? Na naiinis ka kapag may kasama syang iba? At natutuwa ka kapag inaalala ka nya?"
Ini-expect kong tatawanan ako ni mama pero nagulat ako nung ngumiti sya. Isang makahulugang ngiti na ngayon ko pa nakita.

"Oo naman anak. Naranasan ko yan sa papa mo." Nakangiting saad nya. Naninibago ako sa pagse-seryoso nya bigla.

"Talaga po?" Tanong ko ulit at tumango naman sya.

"Ano po ba yon? Bakit ganon?"
Inosenteng tanong ko. Eh sorry naman kung wala talaga akong alam!

Mom patted my head.

"You're in love." Nakangiting sambit nya na nakapagpalaki ng mata ko.

"Po?"

"Yes anak. Kapag palagi mo nalang iniisip ang isang tao, tapos nagseselos ka, tsaka natutuwa ka kapag may sweet na bagay syang ginawa sayo, isa lang ang ibig sabihin nun. Mahal mo na sya."

When the Amazona Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon