CHAPTER 38✔

427 20 0
                                    

Erza's POV

Hapon na at hindi parin umuuwi ang lalaking 'to. Trip pa yatang tumambay dito sa bahay namin.

I'm already bored. Gusto ko sanang gumala kaso sina Mira at Juvia may date. Psssh.

"What's with the face?"

Umirap lang ako at tinuon ang pansin sa tv. Kanina pa nga ako dutdot ng dutdot sa remote pero wala namang magandang palabas.
Dahil sa inis ko, naibato ko ang remote papunta sa kabilang sofa. Sakto namang sa kutson yun naglanding.

"Are you bored? Do you want to go out?" Ayan na naman ang go out nayan. Nakakailang na ah!

"Ayoko." Nakasimangot kong sabi. Kung gagala lang naman ako, di sya ang isasama ko.

"Let's watch movie."

Movie? Duh! Naalala ko tuloy ang kahihiyang ginawa ko dun sa Amber na PINSAN pala nya. Potek! Nasabihin pa tuloy akong nagseselos, which is NOT true. At tsaka yung lintek na kiss. Darn!

"Ayoko." Matigas kong sabi kaya napabuntong hininga nalang sya at naglakad palayo. Napalingon ako sa kanya na palabas na ng bahay. Aba!

"Waaaahh anak! Inaway mo ba si Jellal?"

Hindi ko na nasagot si mama dahil tumakbo na ako palabas para sundan sya. Hindi ko alam kung bakit ko sya hinahabol. Naguilty lang siguro ako. Nasobrahan na ba ako sa pagsusungit? Am I that rude to him?

Nakarating ako sa garden. Dapat nandito pa yun ah? Panong mabilis naman yata syang nakaalis? Tsaka sarado pa naman ang gate.

Naramdaman ko nalang na may humablot sakin at tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay. Fvck! Gusto kong sumigaw pero baka madamay si mama. Sino to? Holdaper? Killer? Rapist? M-mafia? No! Patay na ang mga kalaban namin. Impossible naman yatang ibang group kasi di naman nila alam ang true identity ko. Ready na sana akong sumipa nung----

"Are you looking for me? Namiss mo ako agad?"

O_o

Lumawag ang hawak nya kaya nakawala ako. Tiningnan ko sya ng masama. Psssh. He's smiling again. A smile that really annoys me.

"Ano na naman bang kalokohan to?" Iritang sabi ko.

"I'm just testing you. And seems like you really cares huh." Ngumiti sya ng nakakaloko kaya mas lalo akong nainis.

"I don't know what you're talkin' about. So shut up." Mataray kong sabi pero bigla nya akong niyakap.

"I love you." Mahina nyang sabi. I can feel his breath on my ears. And it's giving me shivers. Tumindig lahat ng balahibo ko.

I'm supposed to be kicking him right now. But I can't fvcking move. It even seems that I'm liking it. Like what the fvck? Why did I just let him hug me?

After a couple of minutes, bumitaw na sya. He stared at me for a while before speaking.

"So payag ka ng manood ng sine?"

No! Definitely N---

"S-sige."

The hell?

***

Hindi ko talaga akalain na matutuloy kami sa panonood ng sine. Pero nandito na eh, wala na akong magagawa.

"Wait here. I'll just buy some popcorn."
Tumango lang ako tsaka umalis na sya. Nandito na ako sa upuan namin . Hindi pa kasi nagsisimula ang palabas.

"Ineng, boyfriend mo ba yon? Ramdam kong mahal na mahal ka talaga nun. Ang swerte mo sakanya." Sabi nung ale na nakaupo sa unahan ko.

"Po? Di ko po sya boyf-----"

"Nanliligaw pa lang ba? Sagutin mo na baka maagaw pa sya, sayang naman."

Sasagot pa sana ako pero biglang dumating si Jellal, may dalang popcorn.

Napangiti ako bigla dahil sa sinabi nung ale. Pero gusto ko na rin ba talaga sya? Sasagutin ko na kaya? Pero paano?

Mira's POV

"How was the movie?"

Yeah, kakatapos lang naming manood ng movie. At kasama ko si---

"It's great, Lyon."

True, I am with Lyon right now. Shocking right? We've just meet few days ago pero naging close kami agad. I feel so comfortable with him, the same comfort when I am with Sting. *sigh*

"You're spacing out again. Still thinking of him?"

Naikwento ko narin ang tungkol kay Sting. I don't know why but I do trust him a lot.

"May naalala lang." I smiled bitterly.

"Don't be sad. We're here to unwind." He said as he pats my head.

I smiled tsaka naglakad na ulit palabas.

"Mira!"

I immediately turned my head back. I know that voice well.

"Erza!" I shouted back. Lumapit sya sakin at yumakap.

"You're with Jellal, right?  I'm happy seeing you together, in good terms." Madalas kasi tong nag-aaway. Ewan ko sa dalawang yan.

"Sinong kasama mo?" Tanong nya habang may tinititigan sa likuran ko. Shoot! Muntikan ko nang makalimutan na may kasama ako.
Lumingon ako kay Lyon. I was shocked nung makita ko syang nakatingin kay Jellal. Jellal is also looking at him. Both of them are smiling at each other.
Magkakilala ba sila?

"So this girl must be Erza Scarlet huh?"

"And this is your new girl. Am I right?"

Pabalik-balik lang ang tingin namin ni Erza sa kanilang dalawa. Magkaibigan ba sila? Magkaaway?

"Hahahahaha!"

Eh? Matapos nun magtatawanan lang sila?

"So long, Jellal."

"Yeah Lyon. Dito lang pala kita makikita."

Okay. OP po kami. -_-

"Kunwari wala kami rito. Umalis na nga muna tayo Mira."

Pffft! Ayan na nga ba. Na-highblood tuloy si Erza. Sino ba namang hindi? Kayo kaya di makarelate sa usapan? Ano mararamdaman nyo aber?

"Pfft! I forgot to tell you. Lyon is my friend." Ani ni Jellal.

"Nice meeting you Erza. I'm glad to finally meet you." Sabi ni Lyon habang naglalahad ng kamay. Nakipag shakehands rin naman si Erza.

So Lyon is Jellal's friend. Is it a coincidence or fate?

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now