CHAPTER 20✔

492 17 0
                                    

Juvia's POV

"Juvia, ano ba kasing ginagawa natin dito?" Naiinip na tanong ni Lucy.

Hindi ako sumagot. Uminom nalang ako ng iced tea at pagkatapos ay huminga ng malamim. Nagdadalawang-isip parin ako. Pero nandito na sila eh. Hindi na ako pwedeng umatras.

"Huy Juvia Lockser! Wag kang ganyan ah! Kinakabahan ako sayo."

Yun na nga eh. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko. Pero kasi, nag-aalala ako kay Erza. Ito lang ang tanging paraan para matulungan ko sya.

"Tungkol kay Erza." Seryoso kong saad kaya sumeryoso rin sila at nakinig sakin.

"Nung isang araw nakita nya si Laxus. Nandito si Laxus."

"ANO!?" sabay nilang sigaw.

Yeah. As I expected, magugulat sila. Pareho naming pinoprotektahan si Erza. Lalo pa't takot kaming baka mangyari ulit ang nangyari noon.

"Kaya kailangan natin syang protektahan." Dagdag ko.

"Wala namang alam si Laxus sa identity natin diba?" Tanong ni Mira.

"Hindi tayo nakakasiguro. Possibleng minamananan na nya tayo, matagal na. At possible rin na nung mga panahong yun, sinusundan nya si Erza."

Bumuntong-hininga ako. Iniisip ko palang, kinikilabutan na ako. Pano kung magkatagpo ulit ang landas nina Laxus at Erza?

"So what's the plan?" Seryosong saad ni Lucy. Tumango rin si Mira at tumingin sa akin.

Plano. Ano bang plano namin?

"Bantayan natin ang bawat kilos nya." I said. Kung mamo-monitor namin ang mga kilos nya, malalaman namin kung kailan sya nasa panganib. Mababalaan namin sya. Mababantayan.

Napangiwi naman si Mira.
"Sigurado ka ba?" Sabi nya.

I nodded. "Alam nating padalos-dalos si Erza sa pagdedesisyon. Kaya kapag hindi natin inaalam ang mga maaaring gawing plano nya, mapapahamak sya. Lalo pa ngayong alam nyang di sya titigilan ni Laxus. Hahanap at hahanap ng paraan si Erza para pigilan sya at wag tayong madamay."

Tumahimik sila at alam kong sa puntong ito, nag-iisip na sila kung tama ba ang gagawin namin.

"Okay. I agree." Sabi ni Lucy at nag thumbs up. Nginitian naman ako ni Mira.

"Sa ngayon, wag nyo munang sabihin sakanya na may alam na kayo. Nangako ako sakanya na hindi ko sasabihin sa inyo."

They nodded , kahit papano'y nakampanti ako.

Hindi ko alam kung tama ba ang planong ito. Sana lang ay maprotektahan namin si Erza. Sana ay wala nang mapahamak ulit.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now