CHAPTER 33✔

430 17 4
                                    

Mira's POV

A month has passed.

Isang buwan na ang nakalipas simula nang tuldukan namin ang kasamaan.

At masasabi ko na malaya na kami mula sa aming nakaraan.

"Hindi nauwi sa wala ang pagkamatay mo." Sabi ko habang nilalapag ang bulaklak sa puntod nya.

"Nabigyan ka rin ng hustisya. Sana masaya ka kung nasan ka man."

Umupo ako sa damuhan at tinitigan ang nauupos na kandila.

I smiled bitterly habang inaalala ang mga panahong magkakasama pa kami. Mga panahong sinayang ko. Mga panahong ginugol ko sana para maparamdam ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Ang mga panahong pinagsisihan ko na hindi ko pinaalam sa kanya na mahal ko sya.

"I'll always love you, Sting."

Lucy's POV

"Nasaan si Mirajane?" Tanong sakin ni Juvia.

"As usual."
Alam kong nasa sementeryo na naman sya ngayon. Dinadalaw ang puntod ni Sting.

"Mahal nya talaga si Boss." Tumango nalang ako sa sinabi ni Juvia.

Hindi nga agad ako nakapaniwala na matagal na pala nyang tinatago ang nararamdaman nya kay Boss Sting.

Not until that day....

*flashback*

Dinala kami sa hospital. Good thing hindi malala ang mga tama namin.

I heard someone sobbing. Lumingon ako kay Mira. Nakahiga sya sa hospital bed habang nakatalikod mula sa amin. Magkakasama kasi kaming tatlo nina Juvia at Mira sa isang kwarto dito sa hospital.

Saglit kaming nagkatinginan ni Juvia. Dahan-dahan kaming lumapit kay Mira at umupo sa tabi nya.

"Okay ka lang ba Mira?" I asked habang hinahagod ang likod nya.

"W-wala n-na s-sya."

I looked at Juvia. Katulad ko, naguguluhan din sya.

"H-hindi ko n-nasabi sa k-kanya ang totoo."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" Tanong ni Juvia.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now