CHAPTER 40✔

407 20 0
                                    

Erza's POV

"Good morning sa ubod ng ganda naming anak!"

Napabangon ako nung may narinig akong kalabog ng pinto. Kasabay nun ang biglang pagpasok nina mama at papa.

"Good morning ma at pa. May kailangan po ba kayo?" Inaantok na sabi ko habang kinukusot ang mata.

"Anak, hindi mo ba alam kong anong meron ngayon?" Nakangiting tanong ni papa.

"Di po. Anong meron?" Wala paring ganang sabi ko. Antok na antok pa kasi ako eh.

Bahagyang nagkatinginan sina mama at papa. Mayamaya ay sabay silang tumingin sakin saka ngumiti.

"Wala anak. Hihihi! O sige, bumaba kana pagkatapos mong maligo. Bye!" Ayun lumabas na silang dalawa.

Napatingin ako sa kalendaryo. Bakit? Ano ba kasing meron ngayon? Tsss.

***

Kakatapos ko lang kumain nung may biglang nagdoorbell. Lumabas naman si mama para buksan yung gate.

"Anak! Andito si Lucy!" Sigaw ni mama mula sa labas. Dali-dali ko naman silang pinuntahan.

"Hi Erza! O ano, tara?" Nakangiting sabi ni Lucy. Napakunot naman ang noo ko. Saan? May lakad ba kami?

"Ha? Saan ba tayo pupunta?"

"Ay naku anak. Nagpaalam na sakin si Lucy. Sumama ka na."

"Po? Baki----"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil hinigit na ako ni Lucy palabas. Tinutulak-tulak pa ako ni mama papasok ng kotse. Ano bang nagyayari sa dalawang to?

"Ma! Ano ban-----"

"Bye Tita! Alis na po kami ng anak nyo."

Ay putspa! Bastusan, ganun?

"Hahaha! Chill Erza. May pupuntahan lang tayo."
Sabi ni Lucy habang nagd-drive.

"San ba kasi tayo pupunta? Ba't di ko to alam?"

"Kalma. You'll see later."

*sigh*

***

Biglang huminto ang kotse kaya sumilip ako sa labas. Oh? Anong ginagawa namin dito sa mall? 'Heartfilia's'? Ah okay, kina Lucy pala ang mall na'to.

"Let's go?" Nakangiting sabi nya habang hinihila na naman ako papasok.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Mags-shopping."

"Wala akong dalang pera. Ikaw nalang. Maghihintay lang ako sa labas."

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now