CHAPTER 19✔

500 21 0
                                    

Erza's POV

Maaga kong natapos ang exam. Nakapagpaalam narin ako sa dean at pinayagan naman ako. Nagvolunteer pa nga sana sina Lucy na sasamahan ako sa clinic pero alam ko namang may klase pa sila.

Nagtaxi ako papunta sa clinic. Nilinis nung nurse ang sugat ko at sinabing okay na naman daw.

"Wag mo munang tanggalan ng bandage hangga't fresh pa yung sugat. Wag ka rin masyadong maglilikot at baka bumuka ang tahi."

"Sige po. Salamat."

Pagkalabas ko,dumaan muna ako sa isang tindahan para bumili ng softdrinks. Ginutom ako bigla.

"Ate may nagpapabigay."

Napatingin ako dun sa batang lumapit sa akin. May hawak syang papel. Kinuha ko iyun at tiningnan. Wala namang nakalagay na kanino galing.

"Kanino galing 'tong---"

Tumingin ako ulit pero wala na yung bata.

Weird.

Nagkibit-balikat ako at binuksan nalang iyon.

~You'll be dead soon, Titania.

----Laxus

O_o

Nanginginig kong niyupi ang papel. Nagpalinga-linga ako pero wala akog nakitang kaninahinalala. Pero possibleng nandito ang nagpadala ng sulat at nakatingin lang sakin.

H-hindi. Hindi pwede.

Napaatras ako. Kailangan kong tumakbo at maka-alis dito.

*boggggsssh*

Bumagsak ako sa kalsada dahil sa impact ng pagkakabangga sakin. Tiningnan ko kung sino ang nabangga ko.

"J-Jellal?"

He extended his hand para alalayan akong tumayo. Pero hindi ko yun inabot at tumayo akong mag-isa.

"Erza? Are you okay? What happened?" He asked on a casual tone.

"W-w-wala. I-i have to g-go"

Napatigil ako sa planong paglayo nung hawakan ni Jellal ang braso ko.

"I said what happened?"

He looked straight into my eyes. Yung kaninang pinipipigilan kong luha, nagsimula nang umagos. Nanginginig akong napaupo. Ayokong magpakita ng kahinaan. Pero talagang di ko na mapigilan. Parang sasabog na ang dibdib ko sa sobrang takot at kaba.

"Fvck. Why are you crying?"

He hugged me tight. Mas lalo akong naiyak.

"U-umalis.. tayo...d-dito...please."

I said in between my sobs. Umalis sya sa pagkakayakap saka hinigit ako paalis. The next thing I knew, nasa loob na kami ng kotse nya.

I continued crying.

A-ano nang mangyayari sakin?P-papatayin nila ako. Pano kung idamay nila ang mga kaibigan ko? Ang pamilya ko? Taena!

"Ano ba kasing nangyari?"
He calmly said while concentrating on driving.

"M-may gustong p-pumatay sakin."

I was shocked at napakagat nalang ng labi habang nakatungo. Dammit! Bakit ko yun nasabi?

*creeecckkkk*

Napatingin ako kay Jellal nung bigla nyang tinigil ang sasakyan. Tumingin ito sakin.

"Who? Bakit?" He asked seriously.

*sigh*

"Forget it."
Pinapahid ko ang aking mga luha. Pagkatapos ay umiwas ako ng tingin.

"I'll help you. Just tell me."

Help? Paano? Tatawag ng pulis? Kalokohan! Mafia yun! MAFIA! Hindi sila basta basta kalaban. Ayokong may madamay pa na ibang tao dahil sa akin.

"Tsss."

Binuksan ko ang pinto at lumabas ng kotse.

"Okay na ako dito, salamat."

"Wait! Okay, di na kita kukulitin. Basta hayaan mo akong ihatid ka sa bahay nyo. Baka may mangyaring masama sayo."

"Wag n----"

"I insist."

Ang sama na naman ng tingin nya sakin.

*sigh*

Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan. Okay na siguro yun.

*sigh* Nanganganib na ang buhay ko. Siguro mula ngayon dapat ko nang dalhin ang baril ko kahit san man ako pumunta. Ayoko mang gawin,pero kung buhay ko na ang pina-uusapan, mapipilitan akong pumatay ULIT.

When the Amazona Fell in LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu