CHAPTER 28✔

508 19 0
                                    

Natsu's POV

"Sya ba talaga si Titania? Hanep!"
Napatingin ako kay Erza na nakahiga sa hospital bed at natutulog. Tapos tumingin ulit ako kay Jellal.

"Yeah." Sagot nya habang nakatingin rin kay Erza.

Napalingun ulit ako sa kinaroroonan ni Erza.
Ang totoo nyan kanina pa kami ni Gray dito sa hospital, tinawagan nya kasi kami kanina ni Jellal. Naikwento narin nya samin ang lahat.

"Stop staring at her, Dragneel or else I will cut your head. "

Napalunok ako at ibinaling ang tingin kay Jellal. Possessive dre?

"Chill. Hindi ko sya aagawin sayo." Natatawang saad ko.

"Tsss."

Tumahimik kami nung may kumatok. Nagkatinginan kaming tatlo.

"O Gray, ikaw na bumukas." Utos ko kay Gray na walang ibang ginawa kundi ang umupo.

"Ayoko nga. Ikaw na Natsu."

Tsss. Kung hindi pa masama ang tingin sakin ni Jellal di ko to gagawin eh.

"SINO KA?" Bulyaw nung babae pagkabukas ko ng pinto.

"Lucy, he's my friend." Si Jellal ang sumagot.

Lucy, huh?

"H-hi?"

Dammit! Nagmumukha akong tanga sa harap nya. Syet! Umayos ka, Natsu. Please lang!

"Tsss. Gusto naming makita si Erza. Gising na raw sya?"

Pumasok sya sa loob kasama yung dalawa pa. Sinundan ko sya ng tingin habang wala ako sa sariling umupo sa couch.

"Type mo Dragneel no?"

Bulong ni Gray kaya nakakunot ang noo kong tumingin sa kanya.

"Ulul!"

Lucy's POV

"Huy Lucy. Kanina pa nakatingin ang lalaking yun sayo oh!" Bulong ni Juvia kaya napalingon ako dun sa tinuturo ng nguso nya.

Ahhh. Yung lalaking bumukas ng pinto kanina. Akala ko masamang tao. Pula kasi ang buhok kaya akala ko adik na tambay sa kanto.

"Type ka siguro Lucy. Ayieee! Ako naman type ko yung isang katabi nya. Ang hot!" Juvia said while blushing. Seriously, she's blushing badly. Psssh.

Ibinalik ko nalang ang tingin kay Erza. Ang sabi gising na raw pero pagdating naman namin dito, tulog sya.

"We need to go. Pwede kayo muna magbantay sa kanya?" Napatingin ako kay Jellal na nakatayo sa harap ng pintuan. Pati narin yung dalawa pa nyang kasama na hindi naman nya pinakilala sa amin.

"Sige. Kami na bahala." Sagot ko.

"B-bye Lucy."

Saad nung lalaki kanina. Bahagya ko syang kinawayan. I'm not that rude, you see.

"Bye----"

"Natsu." Dugtong nya.

"Ah okay. Bye Natsu."

"Naks! Mga damoves ni Dragneel." Bulong nung katabi nya pero narinig ko naman.

When the Amazona Fell in LoveWhere stories live. Discover now