CHAPTER 43✔

397 19 4
                                    


(A/N: Fast forward po ^_^. Didiretso tayo sa graduation day nina Erza. )

***

Erza's POV

"Heartfilia, Lucy..."
.
.
.
.
.
.
.
"Lockser, Juvia..."
.
.
.
.
.
.
.
.
"Strauss, Mirajane..."
.
.
.
.
.
.

"Scarlet, Erza..."

*clap*clap*

Umakyat na ako sa stage at kinuha ang diploma. Napatingin ako sa mga tao tapos natanaw ko si Jellal na nakaupo. Kasama si papa at si mama na panay picture sa akin.

Pagkababa ko sa stage, sinalubong nila ako ng yakap. Ang OA ah. Parang grumaduate lang.

"Waaaahhh! Anak Congrats!"
Si mama yan. Hyper as always.

"Congratulations anak!" Saad naman ni papa sabay tapik sa balikat ko.

"Salamat ma at pa." Tapos niyakap ko sila. Pagkatapos ay napalingun naman ako kay Jellal na nakapamulsa, nakatingin sa amin.

"Congrats love. I'm proud of you." He said then gently kissed my forehead.

"Yieeeehhh! Mamaya na ang labing labing nyo ha? Picture taking muna tayo."

"Kaming apat po tita!" Sabi ni Lucy sabay hila kina Mira at Juvia tapos tumabi sila sakin.

"Say cheese!"

"Cheese!"

Click

"Family naman. Ako po magpipicture." Sabi ni Mira habang kinukuha yung camera mula kay mama. Lumapit naman sina mama at papa sakin tapos----

Click

"Ayan! Ang magjowa naman bilis." Ani ni Mira.

Ngumiti naman si Jellal saka tumabi na sakin. Umakbay pa sya. Aba! Aba! Gusto din eh no?

"Ngiti naman. Lakihan nyo ah?"

Click

"Kyaaaaaa! Ang ganda!"

Napalingon ako kay Jellal nung hawakan nya ang kamay ko. Nakangiti sya habang nakatitig sakin. Ginantihan ko rin sya ng ngiti.

"I love you." Saad nya.

"I love you too."

***
May party kami dito sa bahay. Imbetado lahat ng mga kamag-anak ko pati mga kapitbahay. Nandito rin ang parents ni Jellal.
Wala lang ang mga kaibigan ko dahil may party rin sila sa kani-kanilang bahay. Bukas nalang daw sila pupunta dito.

"Giniginaw ka ba?" Tanong ni Jellal. Umiling lang ako at tumingala sa mga bituin. Nasa garden kasi kami ngayon, nakaupo sa damuhan.

"Naisip mo ba kung hindi mo ako nakita dun sa bar noon? Magkakakilala kaya tayo?" Tanong ko bigla.

Napilitan pa naman akong sumama nun. Tapos may nambastos pa. Leche talaga! Hinding-hindi na ako pupunta sa bar kahit kailan.

"I don't know. But maybe fate will just find its way."

"Eh kung hindi tayo part ng mafia, magiging close kaya tayo? Pero nakakatawa lang diba, kasi dati na pala tayong nagkita. Tapos pinagtagpo tayo ulit." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Tapos bumalik ulit ng tingin sa langit.

"We're just meant for each other. That's the reason why, love." Saad nya tapos umakbay sya sakin. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya.

"Can I ask you something?"
Sabi nya.

"Hmmm?"

"Why do you hate men?"

Tumahimik ako bigla. Never ko pa kasing naikwento kahit kanino ang totoong rason ng pagiging manhater ko. Ayoko lang kasing pag-usapan. But since si Jellal naman ang sasabihan ko, then it's fine.

"1st year ako nun, tapos may kaklase akong crush na crush ko.
Talagang nag-eefort ako nun para mapansin nya ako.
Lahat ng gusto nya, binibigay ko. Pinapakopya ko pa nga sya eh at ginagawan ng assignments. Akala ko nun gusto nya rin ako. Kaso nalaman ko nalang isang araw, girlfriend na nya pala ang isang kaklase namin. Ginamit nya lang pala ako para magpasikat dun sa crush nya. Talagang umiyak ako nun. Tapos simula nun , kinamuhian ko na lahat ng nga lalaki. Dahil natatakot ako na saktan ulit ako at lokohin."

Marahas kong pinahid ang luha ko at tumingin kay Jellal. Nginitian ko sya ng mapait. Hanggang ngayon dala ko parin ang galit at sama ng loob.

"Shhh. That asshole is not worthy of your tears." Tapos niyakap nya ako.

"Salamat." I said and smiled sweetly.

"I'll prove to you that not all men are capable of making a girl cry. I promise that I will never hurt you."

"I'll hold on to that. I love you."

"I love you more."

Then he kissed me.

Damn! I love this guy... so much.

***

A/N: Malapit na talaga tong matapos. Yehey!

Read my other story, I still believe in loving you. Search nyo or visit my profile. Thankiesss!!!

Advance Merry Christmas dear readers! Lovelots.

When the Amazona Fell in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon