"Damn best! Nakakainis" paghihimutok ko sa phone.
"Teka best ano pa problema? Napagalitan ka ba ng daddy mo? Ano pinarusahan ka ba?" Confused na tanong ni Bianca sa kabilang linya.
"Best mukang torture ang gagawin sakin ni dad. Biruin mo ba naman he wants me to marry a guy na hindi ko naman kilala kung sino. Tapos gusto pa niya ibreak ko si Jason kasi hindi ko daw deserve ang isang tulad niya. Di ba nakakagago lang?"
"Chill ka lang! Ano ba kase nangyare bakit ganyan sinabi sayo ni Tito?" Tanong sa akin ni Bianca.
"Eh yun nga nalaman niya kaagad yung nangyare sa resto kaya nga ko pinatawag. Then after that bigla na lang niya sinabi sa akin na kailangan ko daw ng tutulong sa akin magmanage nung Howell resto at ipapakasal na daw niya ko. First, natuwa ako eh I was expecting na si Jason yun but then iba pala. Grr. So annoying!" Gigil kong kwento kay Bianca.
"So, ano balak mo? Papayag ka ba?"
"Of course not! Duh! Kelan pa ko nasiraan ng ulo para magpakasal sa taong hindi ko naman gusto?"
"Maybe now? Hahaha just kidding best. I just want to enlighten our topic masyado ka na kasing high blood."
"Ugh! Ayoko ng dumating yung bukas." Naiinis kong sabi.
"Bakit?"
"Bukas ko na kasi imemeet yung sinasabi ni dad. Yung papakasalan ko. Hay, I don't wanna see him. Basta kay Jason lang ako."
"Edi make a way para ma annoy sayo yung tao. Well, malay mo maisipan niya na wag kang pakasalan dahil baka mabaliw siya sa sobrang inis sayo"
"Hahaha I love you best! Kahit kelan maaasahan ka talaga. O siya sige na I'll hang up the phone sobra na kitang naiistorbo. Goodnight best!"
"Good night din best!" She ended the call.
Nagsmile naman ako ng nakakatakot. I have a plan. A very, very bad plan. Huh! I'm sure walang kasal na magaganap. Hahahaha *evil laugh*
------
"Tol bakit?" Tanong ni chynna best friend ko.
"Asan ka? Pupuntahan kita."
"Asa bar. May problema ba?" Tanong niya. Pinatay ko kaagad ang phone at kinuha ang susi ng kotse.
Nagpunta ako sa bar kung saan madalas magpunta si chynna at iba kong kaibigan.
Pagkapasok ko agad ko sila nakita na nakaupo sa counter area. I sat beside them.
"Oh! Nandito ka na pala. Bakit mo nga pala ko binabaan ng phone? Grabe ha! Ngayon lang ulit nangyare yun." Dire-diretsong sabi ni chynna. Hindi ko siya sinagot.
"Isang vodka please!" sabi ko sa bartender.
"Woah! Tsong sa pagkakaalam ko di ka umiinom? Don't tell me may problema kayo ni solenn?" Hinarap niya ko at kinausap.
"Wala!" Lumagok naman ako ng vodka pagkatapos. Never akong uminom ng alak kaya mapakla ang naging facial expression ko. Muli akong humingi sa bartender ng isa pa agad naman niya ko kinuha.
"Uy, bro sagutin mo naman tanong ko. Nagmumukha akong tanga kakatanong dito eh!"
"Dude, ano mararamdaman mo kapag ipinagkasundo ka sa iba? And you need to give up someone you really loved para lang sundin yung utos ng magulang mo? Di ba nakakat*ng*n* lang." Uminom ulit ako.
