Chapter 42

2.4K 131 58
                                        


"Kaya pala" all was the familiar voice said.

"S-solenn" gulat na pagkakasabi ni Glaiza pagkatapos niyang makita ang girlfriend na nakatayo sa harap nila. "B-babe let me explain." Kinakabahang sabi nito. Agad din siyang lumapit kay solenn para magpaliwanag.

Hindi inaasahan na paglapit ni Glaiza sasampalin na siya ni Solenn.

"Siya ba? Siya ba yung dahilan kung bakit pakiramdam ko nawawalan ka na ng oras sakin?" Galit na tanong nito pagkatapos sampalin si Glaiza.

"No babe! Please let me explain." Pagmamakaawa ni Glaiza.

"Then why? Tell me. Bakit kayo magkasama? At bakit kayo muntikan maghalikan? Ano 'to gusto niyo lang itry? Di ba hindi kayo okay before eh bakit ngayon parang ang close close niyo na? May hindi ba ako alam?"

"Babe---" mahinang tawag ni Glaiza.

"Nagmumukha na ba kong tanga?"

"Sorry" napayuko na lamang siya at naiiyak.

"Fuck you Glaiza!" Umiiyak na sabi ni Solenn habang pinagsamsampal si Glaiza.

"B-babe, I'm sorry." Naiiyak na sabi ni Glaiza.

Wala namang magawa si Rhian kundi panuorin ang dalawa. Maging siya at naiiyak na rin sa gilid.

Muli na naman niya sinampal si Glaiza. "Sorry? Anong magagawa ng sorry mo? Glai, niloko mo ko. Pinagmumukha mo kong tanga!"

"Please listen to me. Babe please!" Pagmamakaawa nito.

"Listen?" Napangisi ito. "Do I need to listen? Eh kitang kita ko na kayo eh. Sapat ng evidence yung nakita ko sa panloloko mo."

"I have a reason kung bakit ko ginagawa 'to. Pakinggan mo naman ako oh." Pagsusumamo nito.

"Bakit ano mo ba siya? Kabit mo?" She asked.

Tila nakagat na yata ni Glaiza ang kanyang dila at hindi na magawang makapagsalita pa.

"Ano?! Bakit di ka sumasagot? Ano mo ba siya?" Sigaw nito.

"A-asawa ko na siya. Kinasal na kami--" mahina ngunit sapat lang para marinig ni Solenn.

Mas lalo namang sumama ang loob ni Solenn sa narinig kaya mas nagawa niya ulit sampalin si Glai.

"Tangna ano 'to? Nagkakagaguhan ba tayo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Solenn.

"That's the truth Solenn." Naiiyak na sabi ni Glaiza.

"Di ba ako yung mahal mo? Nawala lang ako ganito na nangyare. Pa'no tayo?" Mahinang tanong nito.

"H-hindi ko alam."

"Paano mo nagawa sakin 'to? Glai, seven years! 7 years sinayang mo lang. And you know what fucking hurt the most is yung pinagpalit mo lang ako sa taong hindi mo pa ganun kakilala. At ang masakit pa pinakasalan mo na siya. Ang sakit lang eh! Ang sakit sakit! Umasa ko na sa pagbalik ko tutuparin mo yung pangako mong magpapakasal tayo. Pero anong nangyare? Pagbalik ko kasal ka na. Ano 'to? Tell me. May pagkukulang ba ko? Ano bang ginawa kong mali?
Bakit siya pa? Bakit? Bakit?" Habang pinagsususuntok ang dibdib ni Glaiza.

"Babe sorry! Hindi ko naman ginusto 'tong nangyare eh. Mahal kita. Ikaw pa rin yung girlfriend ko." Pinipigilan naman ni Glaiza ang panununtok sa kanya ni Solenn. At kinukulong niya rin ito sa kanyang yakap .

Buong pwersa namang humiwalay si Solenn. "Hindi eh!" Hindi pagsang-ayon nito. "Glai, siya asawa mo na. Ako girlfriend mo lang. Sinong talo saming dalawa? Di ba ako? Sinong mapapasama? Di ba ako? Sinong masasabihan ng kabit? Di ba ako? Bakit kung sino pa yung nauna siya pa yung nawalan." Patuloy pa rin ito sa pag-iyak niya.

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoWhere stories live. Discover now