"So, kwento na." Bungad na sabi sakin ni Bianca. Napangalumbaba pa ito at naghihintay ng sasabihin ko. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Inaya nga lang niya ako para makipagkwentuhan sa kanya. Mabuti na lang pumayag si Glaiza na siya munang mag-alaga kay baby.
"Teka, anong ikukwento ko?"
"Hello! Simulan mo sa nangyare after kitang inuwi ng lasing sa inyo hanggang sa nangyare sa inyo kahapon." Umirap pa ito sa akin. Hay nako! Bakit ba napakachismosa nitong best friend ko?
"Wala naman nangyare nun eh! Tyka ayokong magkwento nakakatamad." Oo, tinatamad talaga ko magkwento ang haba kaya ng mga nangyare nun. Tyka tagal na kaya nun buti kung maalala ko pa.
"Wala ka talagang kwenta kausap. Si Glaiza na nga lang ang tatanungin ko. Tama nga siya! Siya na lang dapat ang sinama ko dito. Hays! Kung hindi ka sana dumating agad magkukwento na yun eh." Sabi nito at parang naiinis pa dahil sa wala man lang akong kinukwento sa kanya.
"Hala? Ano kinuwento ni Glaiza sayo?" Mamaya mamisinterpret pa niya yung mga kinukwento sa kanya ni Glaiza at ano pa ang isipin niya.
"Wala nga! Paano magkukwento eh bigla ka nga dumating kaya ayun hindi niya tinuloy." Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko. Buti na lang walang sinabing hindi maganda si Glaiza. Akala ko magsasabi na naman yun ng kalokohan eh. Maniwala pa 'tong isang 'to.
"Buti naman"
"So, ano? Magkukwento ka o siya na lang ang kakausapin ko?" Pamimilit niya. Kelan ba ko tatantanan nito?
"Oo na! Oo na!" Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong kawala sa isang 'to eh.
"Good! Simulan mo na." Huli niyang sabi bago uminom ng coffee na binili niya.
"Eto na nga!" Sabi ko. "Wala ako maalala nung gabing lasing ako."
"Weh?" Hindi kumbinsidong sabi nito.
"Oo nga! Alam mo namang marami ako nainom nun di ba? Malay ko ba kung ano na pinaggagawa ko nun." Sabi ko. Nainom naman ako nung binili kong coffee. Nakakauhaw kayang magkwento eh.
"Ganyan yung mga linyahan ng mga taong pinipilit kalimutan yung mga nakakahiyang nangyareng ginawa nila sa t'wing lasing sila. Pero syempre, kunwari lang na di niyo alam yon. Bakit? Nakakahiya ba? Ayaw niyo lang pag-usapan?"
"Ano ba yan? Wala talaga kong takas sayo no?"
"Alam mo yan"
"Hay, Muntik na may mangyare samin." Straightforward na sabi ko. Muntikan naman niyang maibuga yung iniinom niya. "Kadiri ka bestie!"
"Ikaw naman kasi nambibigla ka. Pero seryoso? Di nga? Paano nangyare?"
"Nagkwento na nga ako umangal ka pa? Ano itutuloy ko pa ba?" Kunwaring naiinis na sabi ko sa kanya.
"Magkwento ka na. Makikinig na lang ako."
"As what I've said, muntikan na nga may mangyare samin. I admit bet ko yung nangyare na yun at hindi ako nagsisisi at first. Pero while doing that bigla na lang pumasok sa isip ko yung girlfriend niya. I felt guilty that time. Kase niloko na nga namin siya eh tapos eto pa isang pagtataksil pa yung nagawa naming dalawa sa kanya. I really don't know what might got happen kapag nalaman niya to. Pero anong magagawa ko? Nadala lang naman ako sa nangyare at dahil sa epekto ng alcohol kaya ko nagawa yun." Huminga muna ko bago bumalik sa pagkukwento. "Then ayun while doing this 'thingy' I puked her."
"Oh, really?" Tanging reaction niya.
"Yep! And after that I don't know what happen next. Basta nagising na lang ako nung umaga na. Masakit ang ulo. You want to know kung anong nakakainis na nangyare?"
