"Dahil sa ........" Huminga muna ito ng malalim bago magsalita. "Isang masalimoot na pangyayare. Naaksidente kayong dalawa. At lahat ng alala niyo ay nabura." Pagtutuloy nito.
"Naaksidente? Paano?" Naguguluhang tanong ni Rhian.
"Hindi ko alam ang buong detalye kung anong nangyare sa inyo. Sa pagkakaalam ko lang ay may taong kumidnap sa inyong dalawa at dinala kayo sa malayong lugar."
"Kelan po nangyare yan? Bakit hindi ko alam?"
"When you both 10 years old I guess that time. Kasabay ng aksidente ang pagtangay ng inyong alaala at pagkakalayo niyo ng dalawa sa isa't isa."
"Teka, may kinalaman po ba 'to sa pagkakaroon ng trauma ni Glaiza sa alarm clock?"
"Maaari ngunit hindi rin ako nakakasigurado. Kaya hanggang ngayon ay pilit ko pa ring hinahanap ang taong gumawa sa inyo ito. Dahil masakit sakin isipin lahat ng naalala niyo mula pagkabata'y tuluyan ng naglaho. Simula nung nakaaksidente kayo hindi na ganoong kasaya ang apo ko. She became a quiet and sensitive child before. She easily gets irritated with the things. Always had a mood swing. Simula noon, I always by her side. I took care of her. Ayokong nasasaktan ang apo ko dahil naaalala ko lang yung nangyare sa kanya before. I'm getting overprotective to her at alam kong nagseselos na din ang ibang mga apo ko dahil mas pinapaboran ko ang mga gusto niya. Pero what can I do? Pakiramdam ko dahil sakin kaya nangyare sa kanya yan. Kung hindi lang ako naging pabayang Lolo sa inyong dalawa hindi mangyayare yan."
Kahit ilang beses isipin ni Rhian lahat ng sinasabi ng Lolo ni Glaiza hindi pa rin nito magawang maalala ang nangyare sa kanila more than 18 years ago. Na kahit konting bagay lang na pwedeng makaalala sa nangyare sa nakaraan ay wala pa din itong nakukuha. Bukod lang sa alam niyang laging natatakot si Glaiza sa mga bagay na sobrang maiingay.
Sa kinuwento lang ng lolo ni Glaiza ay mas pinahirapan lamang niya ang loob nito. At binigyan pa siya ng dahilan para manatili sa tabi ni Glaiza. Pero kahit ganoon ay buo pa din ang desisyon nito.
"Even I can't remember anything about my/our past hindi na po basehan yun about ngayon. Malalaki na po kami Lo. And kahit na sinasabi niyong magbestfriend kami before hindi pa din mababago na mahal niya si Solenn ngayon. At tulad nga po ng sinasabi ko it was happened long, long years ago. Maybe yung pagkakagusto sakin ni Glaiza is just like a puppy love, an infatuation only before. When she was teen di ba nagkaroon siya ng boyfriend? And it was Rafael? Her first boyfriend, first heartache. And si Solenn, and I really do believe that Solenn is the love of her life. Mas matagal na napagsamahan nila Lo. Mas matagal pa kesa sa pinagsamahan namin before dun sa kwento niyo. And this can't change the fact na siya ang pipiliin nito instead of me."
"Well, I think you already surrender huh? Bakit pinaniniwala mo ang sarili mo na wala kang pag-asa? Ano ba sa tingin mo ang nararamdaman sayo ng apo ko?"
Napaisip naman ito. "Ano nga ba? Ano nga ba ang tingin sakin ni Glai? Mahal ba talaga niya ko? O ginagamit lang niya ko dahil malayo sa kanya si Solenn? Ayokong umasa. Tama na!"
"Lo, if you still convincing me to fight Glaiza I'm sorry but I can't. I already made my decision. At kung mahal niya kong talaga gagawa siya ng paraan. At kung para kami sa isa't isa sa huli ay kami pa din. Let's just face what's happening right now. Let's move on from the past Lo. Si Glaiza na ang magdedecision kung saan siya mas sasaya. Tanggapin na lang po natin yun." Kalmado nitong sabi.
