"Babe?" Gulat na tawag ni Solenn sa akin. Nandito kase ako sa harap ng bahay nila. Wala din siyang kaalam alam na pupunta ko sa kanila. "Anong ginagawa mo dito?"
"Naisip ko kasi na.... Aalis ka na ngayon tapos hindi pa ko makakapag paalam sayo. And I just want to take some time just to be with you sobra kasi kitang mamimiss eh. Even now, now pa lang namimiss na kita e, how 'bout yung 1 week na hindi kita makikita? Baka mabaliw na ko nun babe."
"Asus! Eh baka naman pigilan mo pa ko pag umalis ako. Wag naman"
"Kung pwede nga lang eh" sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"Ugh. Mamimiss ko 'tong yakap mo." Sabi niya habang yakap yakap din ako.
"Yakap lang? Paano naman ako?" Then I pout.
Pinisil naman niya ilong ko. "Siyempre mas mamimiss kita. Oh ayan na pala sila mommy" sabay kaming napabitaw sa isa't isa.
"Oh glaiza, nandito ka?"
Lumapit ako sa para magmano. "Ah opo, eh gusto ko po sanang ihatid si Solenn sa airport I mean kayong lahat po gusto ko ihatid sa airport. Heheh" nahihiya Kong sabi.
"Ganun ba? O siya halika na't baka mahuli pa tayo sa flight. Nak, kay Glaiza ka na ba sasabay?" Tanong ni Tito.
Sabay kaming tumingin ng daddy ni solenn sa kanya.
"Yes dad! So shall we?" Tanong sa akin. I nodded. Then tumingin siya ulit sa daddy niya. "Magkita na lang po tayo sa airport. Una na po kame" sabay na din kaming nagpaalam sa kanila.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse.
"What's that?" Tanong niya sa nakita niyang panda stuffed bear na nasa back seat.
"Oh I forgot" kinuha ko naman yung panda stuffed bear at ibinigay sa kanya. "For you. To remember me while you're far from me." I gave her a weak smile. Hays,
"Thanks! But, parang mas kailangan mo 'to? Kasi, mas feel ko na ikaw ang malulungkot kasi malayo ako." Ibabalik na niya sana pero agad akong tumanggi.
"Yeah! But that's ok. Babalik ka naman eh. Teka, before pa tayo magdramahan alis na tayo. Baka malate ka pa." Pinaandar ko na nga ang kotse.
Pagpasok namin sa airport agad naming hinanap sila Tito. Napansin naman namin yung lalaki na kumakaway sa amin. Nung papalapit kami sila Tito pala yun.
"It's exactly 1:45. Kailangan na natin pumunta sa boarding area. Baka maiwan pa tayo sa flight. Oh, pa'no? Mag-ingat ka Glaiza pauwi at mauuna na kami" paalam sa akin ni Tito.
"Ah. Sige po. Ingat din po kayo" sabi ko sa kanya.
Muli naman akong niyakap ni Solenn ng mahigpit.
"I will miss you babe"
"Mamimiss din kita. Lagi mong tandaan na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Mag-iingat ka dun ha! Hindi kita mababantayan." Paalala ko sa kanya.
"Opo babe! Hahah. Sige na we have to go. Bye!" Then she gave me a kiss.
Winawaved ko ang kamay ko para magpaalam na sa kanila habang naglalakad sila palayo. Nang hindi ko na sila makita ay napagpasyahan ko ng umuwi na.
Exactly 7:00 am nang pumasok na ko sa office ko. Nakakapanibago dahil sa twing papasok ako ay dumadaan pa muna ko sa office ni Lolo para mag good morning pero ngayong araw lang hindi dahil wala siya.
Habang inaayos ko ang mga pipirmahan kong mga papeles may bigla namang kumatok sa pinto.
*knock* *knock*
