Chapter 14

3.8K 173 9
                                        


"Babe, kumpleto na ba yung gamit mo? Yung mga kailangan mo nandito na ba? Baka may nakalimutan ka pa?" Sinisigurado ko naman na walang kahit anong makakalimutan si Solenn sa pag-alis niya.

"Ok na babe lahat. Dinouble check ko na rin lahat ng dadalhin ko. At wala na kong nakalimutan 😃"

"So tara na? Baka mahuli ka pa sa flight mo" aya ko. Ako na lang daw ang maghatid sa kanya. Tutal busy naman silang lahat sa business. Pero di naman nagtampo si Solenn dun. In fact, siya pa nga ang nag-insist na ako na lang ang maghatid sa kanya. Para naman daw hindi na siya makaabala pa sa kanyang mga magulang.

Habang nasa biyahe kami tahimik lang kaming dalawa. Hanggang putulin ni Solenn ang katahimikan.

"Babe, still remember yung binigay mo sakin nung mga bata pa tayo?" Tanong nito.

"Ano yun babe?" Tanong ko sa kanya. Medyo hindi ko na maalala kung ano yung tinutukoy niya kaya tinanong ko.

"Yung necklace na may half na heart."

"Bakit nawawala mo babe?"

"Nope, eto oh. Suot ko pa din" sabay pakita niya. "I wonder lang kasi if the heart is whole then where's the other half? I mean di ba? Dapat dalawa yung necklace para mabuo yung heart? And never ko naman siyang nakita na suot mo."

"Maybe I misplaced the other one. And besides wala naman akong maalala na may pinagbigyan ako or what. Hanapin ko na lang"

Then Solenn nodded to me. Napansin ko na hinawakan niya yung necklace at tinignan.

"Babe we're here" sabi ko sa kanya after kong magkapagpark ng sasakyan.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Kinuha ko mga gamit niya sa compartment ng kotse. Dalawang malalaking maleta yun.

"Babe I'll help you na" alok niya.

"Ok lang babe. Ako na." Pag-iinsist ko. Tapos sinamahan na siya pumasok sa loob.

Nakatayo kaming dalawa sa gitna ng madaming tao. Hindi ko naman alam gagawin ko.

"So paano? Mapapalayo ka na naman sakin? 1 year akong maghihintay sayo." 😖

"Babe 1 year lang naman. Mabilis lang yun." She held my face. Nilapit niya ang mukha niya sakin. Face to face na kami ngayon. "Just promise me na no other girls will dare to enter your heart or else ipagpapalit kita sa mga gwapong taga France" pagbibiro niya.

"Wala naman ganyanan babe! I promise ikaw lang" then I kissed her forehead.

"Pasok na ko sa loob babe? Goodbye Glai! 👋" paalam niya. Habang papalayo sakin.

"Bye Sol! See you after one year!" Sigaw ko. Habang winawave yung kamay.

"After one year pakasal tayo haaaaaa!" Sigaw niya pabalik tapos nagflying kiss pa. natawa naman ako. Hindi na ko nakasagot dahil tumingin na siya sa harap niya.

"Sana babe! Sana" bulong ko.

------

"Bes kamusta? Hindi mo manlang sinabi na nagkasakit ka! Nag-aalala na ko sayo lahat lahat tapos kahit isang text man lang di ka nagtetext. Mabuti pa 'tong asawa mo marunong magtext" kararating palang niya pero grabe na makatalak sakin. Daig pa Nanay ko. Hahaha!

"Teka bes nagtext sayo si Glai?" Takang tanong ko. Wala naman siyang number nito pero bakit natext niya si bianca?

"Oo! Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yung number ko eh. Pero sabi niya samahan muna daw kita dito habang wala siya. Sa kanya ko nga lang nalaman na nagkasakit ka eh. Teka, san ba pupunta si Glai?"

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant