Chapter 17

3.6K 174 15
                                        

"Oh my gosh! Glai?" Gulat kong sabi nung makita siyang nakahiga at nanghihina. May mga dugo yung mukha niya.

"Rhi, a-ayos ka l-lang ba?" Tanong niya. Halatang nasasaktan na ito base sa reaction ng mukha niya.

"Ayos lang ako. Teka, what happened to you? Sino gumawa niyan?" Tanong ko habang tinutulungan siyang tumayo.

"Hindi ko alam" sabi niya. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa shot gun ng car niya para paupuin ito. At nung masiguro kong nakaayos na siya ng upo ay tska ako nagpunta sa driver's seat. Ako na muna ang magdadrive dahil alam kong hindi niya kakayanin.

"Kailangan nating pumunta sa hospital ha? Kailangan magamot yang sugat mo." Hindi naman siya sumagot at pinikit lang ang kanyang mga mata. Nagmadali akong magdrive dahil parami na ng parami ang nawawalang dugo kay Glaiza. Nakikita ko na din na namumutla na siya.

"Sh*t! Anong gagawin ko?" Sobrang tense na ko sa nangyayare. Hindi ko alam kung anong gagawin.

*beep!*beep! *beep! Sunod sunod kong busina. Ugh! Ano ba emergency 'to. Paraanin niyo ko! Nahalata naman nila yung ginawa ko kaya nag give way na sila.

Pagdating namin ng hospital agad ako tumawag ng tulong sa nurse. Agad naman itong lumapit sa akin.

"Miss, ano po nangyare?" Tanong nito.

"Y-yung a-asawa ko kasi....... H-hindi ko alam basta nakita ko na lang siya na duguan. Please help her!" Agad naman niya itong binuhat at hiniga. Tumulong na din yung ibang nurse para dalhin ito sa ER. Naiiyak ako na sumunod sa kanila. Hanggang makarating kami ng ER gusto ko sumama pero pinigilan na nila ko.

"Mam, dito na lang ho kayo"

"Please! Wag niyo siya pababayaan!"

"Makakaasa ho kayo!" At tuluyan na siyang pumasok sa loob. Napasandal na lang ako sa pader. Sobrang nag-aalala ako kay Glaiza.

Tumawag na din ako kila daddy para sabihin ang nangyare kay Glaiza.

"Lord please! Minor injury lang sana. Wala sanang malalang mangyari sa kanya. Pagalingin niyo na ho siya!"

"Rhian!" Napadilat ako dahil may sumigaw ng pangalan ko. Nakita kong tumatakbo sila Tita papalapit sa akin.

"Ano nangyare?" Tanong nito nung makaharap ako. Hindi naman ako makasagot kaya niyakap na lang niya ko.

Lahat kami nakaupo sa waiting area maliban kay Tito at chynna na nakasandal at naghihintay sa may gilid ng ER.

And when the doors open agad kaming napatayo para kausapin yung lumabas na doctor.

"Doc, kamusta yung anak ko?" Tanong ni Tita.

"She's ok now. Wala namang nabaling buto sa kanya. Tinahi na rin namin yung sugat sa ulo niya. Sa ngayon pagpahingahin na muna natin siya. Pwede na siyang ilipat ng kwarto." Sabi nung doctor bago tuluyang umalis.

Lahat kami nakahinga na ng maluwag dahil ayos na siya. "Thank you lord!"

-----

"Glai?" Tawag ko nung magising siya. "Oh! Wag ka munang gumalaw baka sumakit yang katawan mo" Pero di siya sumunod at pinilit pa ring maupo. Inalalayan ko na lang siya.

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoWhere stories live. Discover now