Glaiza's POV
Sinubukan naming umuwi sa bahay baka sakaling may balita na sila kay Rhian.
"Dad? Tito may balita na ba kayo kay Rhian?" Tanong ko sa kanila.
"Wala pa rin. Pero nagpadala na ko ng mga maghahanap sa kanya. Nireport ko na rin 'to sa mga pulis." Sabi ni Dad. Napansin ko namang tahimik lang si tito habang nakatikom ang kamay.
"Tito?" Tawag ko. Tumingin naman siya sakin ng puno ng galit at bigla akong sinuntok.
"Omygod glai!" Solenn.
"Tsong!"
"Kumpare." Sabay pigil ni Dad sa kanya.
Tinutulungan naman ako ng dalawa para makatayo.
"Kapag may nangyareng masama sa anak ko humanda ka sakin!" Banta niya. I understand nag-aalala siya sa anak niya kaya niya nagawa yun.
"Tito, hindi ko rin hayayaan may mangyare sa kanyang masama. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." Sabi ko. "Wag kayong mag-alala di ako titigil sa paghahanap sa kanya." Paninigurado ko.
"Siguraduhin mo lang. Dahil baka kung anong magawa ko sayo." Huli niyang sabi bago siya umalis.
--------
Third Person's POV
Pagkatapos dukutin si Rhian ay dinala siya sa isang warehouse at kinulong. Napansin niya namang hindi siya nag-iisa dito dahil may isa pang bata ang nandodoon.
"Ano ba pakawalan niyo kami!" Habang pilit binubuksan ang pinto.
Narinig naman niya ang pag-iyak ng bata kaya siya napahinto at lumapit dito.
"Hey! Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong nito. Tumingin naman sa kanya ang bata at bigla siyang niyakap.
"Mama help me. Huhuhu! I'm scared. Please save us! Mama!" Paulit-ulit nitong sabi.
"Shhhh! I'm here okay. Hindi kita pababayaan." Pagpapagaan nito ng loob.
Ilang oras din ang lumipas at muling binuksan ang pintong pinagkukulungan nila Rhian. Laking gulat pa ni Rhian kung sino ang nakita niya.
"Rafael?" Tawag niya dito.
"Kumain na kayo," sabay lapag ng pagkain nila.
"Raf, please tulungan mo kaming makalabas dito. Alam kong mabait ka. Please! Tulungan mo kami." Hingi nito ng tulong. Tumayo naman bigla si Rafael.
"I'm sorry Rhian. Pero masakit pa rin yung ginawa niyo sakin ni Glai." Sabi nito.
"Sorry rafael! Hindi ko naman sinasadya yung ginawa ko sayo."
"Pasensya na rin. Pero wala akong magagawa para tulungan ka." Huli nitong sabi. Lalabas na sana siya ng maramdaman niyang may nakahawak sa kamay niya. Pagtingin niya yung batang kasama ni Rhian.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Rafael.
"Please let us go out of here! I don't wanna be here anymore. I'm scared." Sabi ng bata. Para namang kumirot ang puso ni Rafael sa nakitang pagmamakaawa ng bata pero binaliwala lang niya iyon at tinulak bigla ang bata na dahilan ng pagbagsak nito.
"Baby!" Tawag ni Rhian tyka niyakap ang bata. "Ganyan ka na ba talaga kasama Rafael? Kahit bata nagagawa mo ng patulan?"
"Hindi ba kayo tatahimik? Gusto niyo bang paputukan ko kayo?" Sabay tutok ng baril sa kanila.
Wala ng nagawa sila Rhian kundi umiyak na lamang.
"Glai please help us."
