Chapter 24

3.7K 168 21
                                        

Nagbigay na nga ng hudyat ang emcee na dahilan upang mag-umpisa na sila.

Hatak----Hila-----Tulak

walang nagpapatalo. Lahat ay binibigay ang natitirang lakas upang manalo.

Makikita mo ang gigil sa kanilang mga mukha. Gigil makuha ang panalo.

Hindi alintana ang pawis na tumutulo sa kanilang mga katawan dahil sa init ng araw.

"1-2-3 hitak!" Utos ni Glaiza

"Hila!" Sigaw naman ng kabila.

Hanggang ilang minuto din ang tinagal ng laban. Sa isang malakas na hila lang ay agad na natapos ang laro. At ang nanalo ay sina Glaiza.

"Woooh! Galing natin!" Masayang  pagcecelebrate ni chynna. Nakipag-apir pa ito sa mga kagrupo niya. Aapir na sana ito kay Glaiza pero nakita niya itong tahimik na nakatingin sa harapan niya kaya naman sinundan niya ang tingin nito upang malaman kung sino ba ang tinitignan ni Glaiza and she found out na si Rafael at Rhian pala.

"Babe! May sugat ako oh! Ang sakit pwede mo bang gamutin?" Sabay pakita ng kamay niya.




Flashback

"Rafraf! Bumaba ka na dyan. Magmimiryenda na tayo baka mahulog ka pa dyan!" Nag-aalalang sabi ni Glaiza.

"Mamaya na G! Masaya dito sa taas ng puno. Nakikita ko yung bubong ng bahay namin." Sigaw naman ni Rafael habang nakatingin sa bubong ng bahay nila hindi kalayuan.

"Kahit na ano ba! Ang taas taas nung puno oh. Paano pag nalaglag ka? Malalagot ako kay Tita niyan!"

"Wag kang mag-alala kaya ko sarili ko. Tignan mo oh! (Sabay hand sideward at balance ng katawan sa puno) Di ba hindi ako mahu----- aaaaaaaahhh!"

"Rafraf!" Sigaw ni Glaiza.

Nahulog na nga si Rafael sa taas ng puno pabagsak sa kinatatayuan ni Glaiza. Kung hindi pa aalis si Glaiza ay madadamay siya at mapipilayan dahil madadaganan siya ni Rafael.

Agad hinablot ni Rafael si Glaiza kaya nung bumagsak ito ay nasa ibabaw niya si Glaiza.

Couple of second has passed parehas lang silang nakapikit na dalawa. Si Glaiza halata pa din ang takot sa mukha habang si Rafael ay parang wala namang iniindang sakit.

At nung nakakuha na ng lakas ng loob si Glaiza ay tiyaka lang nito minulat ang kanyang mga mata.

"Uy, Rafa ayos ka lang ba?" Tanong nito habang sinasampal ng mahina ang pisngi ni Rafael.

"Ughhh! Ang sakiiiit!" Daing niya.

"Ha?" Sabay alis sa pagkakadagan. "Saan ang masakit sayo? Hala! Lagot ako kay Tita!"

"Dito love oh" turo sa lips niya. "Ang sakit ng lips ko. Kiss mo ko please!" Sabay pout.

"Siraulo! Isusumbong na lang kita kay Tita noh!" Sabay palo sa braso nito. "Tumayo ka na nga dyan!"

"Hahaha joke lang po. Ikaw love nasaktan ka ba?" Tanong niya.

"Hindi naman love ayos lang ako. Thank you dahil ikaw pa 'tong mas lalong nasaktan dahil sa pag-iwas sakin."

"You know naman na I don't want to see you to hurting di ba? Mas mabuti pa ako na lang yung masaktan wag lang ikaw. I love you love!"

"I love you too love!"

End of flashback

"Ang liit lang naman yang sugat mo eh" natatawang sabi ni Rhian.

Pinagkasundo, pero DI-magkasundoWhere stories live. Discover now