"Mom, where's dad?" I asked. Maaga kong pumunta dito para kausapin si Dad.
"Nasa office niya. Ang aga mo naman yata?" Sabi ni mom while kissing me on my cheek.
"He wants me to be here as soon as possible daw eh. Is there something wrong?"
"I....don't know? Wala naman siyang sinasabi sa akin."
"Ah. Ok. Punta na lang ako sa office niya" paalam ko kay mom. Tumango naman siya.
--
"Dad?" Tawag ko habang kumakatok sa office niya. He had office in our house. Sakto lang ang laki. Sometimes dito siya dumideretso kapag gusto niya mapag-isa.
"Come in" sigaw niya sa loob. Pumasok naman ako agad.
"Hey dad! Gusto mo daw ako makausap?" Tanong ko sa kanya. Humalik naman ako sa pisngi niya. Tyka naupo sa vacant chair sa harap ng table niya.
"Ahuh! We will go to hongkong the day after next for business meeting" dire-diretso niyang sabi.
"Huh? Ang bakit ngayon niyo lang sinabi sakin yan dad?"
"Bakit may problema ba? Your lolo send us to attend meeting in hongkong. May mga investors din na gustong mag-invest sa atin. So, we need to grab it. Malaki ang tiwala ng lolo mo sayo Glai. Tine-train ka na din niya para in near future alam mo na kung paano papatakbuhin ang kumpanya."
"Eh dad what about my work? Maiiwan ko sila dito. Si Rhian paano siya?"
"About your work? Hmm, you could leave it that naman or pwedeng dalin mo na. Si Rhian? Please tell her na aalis tayo. Tell her also na kung gusto niyang umuwi muna sa kanila habang wala ka. Ayos lang!"
"Ok dad. I'll talk to her na lang later. Uhmmm.." While playing my two fingers on table.
"What? May gusto ka ba sabihin?"
"Ah wala naman po. Uhm, gaano tayo katagal sa hongkong? Just want to inform Rhian na rin."
"2 weeks only"
"Ah ok dad. Sige alis na po ako. Just call me if you need me." Nagpaalam na din ako pagkatapos.
----------
"Hindi yata kayo sabay ni Glai?" Takang tanong ni bianca kay Rhian matapos makita ang kaibigan na mag-isa lang pumapasok.
"Ewan? Wala siya sa bahay eh." Wala sa mood na sabi ni Rhian.
"Halata nga! Kita dyan sa mukha mo oh! Sobrang naiinis ka dahil ba hindi mo siya nakita nung pag gising mo? Kaya hindi din good vibes ang morning mo?" Pang-aasar ni Bianca. Sinamaan naman siya ng tingin ni Rhian.
"Pinagsasabi mo? Naiinis lang ako kasi hindi pa ko nagbebreakfast dahil late na ko nagising tapos sinabayan pa ng traffic. Myghad! Muntikan ko pa maaway yung driver nung sinakyan kong cab. Grabe as in! Hay! Nakakainit talaga ng ulo!" Sabay hawak sa sintido niya.
"Hahaha! Kasalanan ba talaga ng traffic at late mong paggising ang hindi mo pagkain ng breakfast? At pati driver pinagdiskitan mo pa? Grabe ka Rhi! Kaya tayo napagsasabihan ng abnormal eh. Hahahah!"
"Argh! Eh sa magagawa ko? Gutom na talaga ko?" Napapout naman si Rhian. Wala na din siyang lakas pa para makipagtalo sa kaibigan niya.
"Uy, teka. Si Rafael ba yun?" Turo ni Bianca sa labas. Tumingin naman si Rhian para makita kung si Raf nga ba yun.
"Teka bakit siya nandito?" Tanong niya nung maconfirm nilang si Rafael nga ang papasok sa resto nila.
"Raf!" Sigaw ni Bianca na nakaagaw ng atensyon ni Rafael. Nangiti naman ito nung makita niya yung dalawa.
