"Let's go?" Aya sakin ni Glaiza. Aalis kasi kami ngayon at pupunta sa bulacan dahil duon daw gaganapin ang family gathering ng mga Galura. At tyka duon na rin daw namin gaganapin ang new year.
"Wait. Yung mga gamit ni Caleb nasa car mo na?" Tanong ko. Baka kasi mamaya makalimutan pa namin bumalik pa kami.
"Yep! Kanina ko pa nalagay sa car. Kayong dalawa na lang ang kulang." Sabi niya.
"Ah! Mabuti naman. So let's go!" Aya ko. Nauna naman akong lumabas habang karga karga si Caleb. Habang siya naman ay nahuli para ilock yung bahay. Agad din naman siyang sumunod at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan.
-
"Rhi, nandito na tayo." Napabalikwas naman ako nung maramdaman kong ang mahinang pagtapik niya sa braso ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. Agad naman akong napatingin sa hawak ko. Ay! Buti na lang tulog na tulog din ito.
Agad naman niyang pinatay yung engine ng sasakyan at agad na bumaba ng sasakyan. Bubuksan ko na sana yung pinto nang bigla niya akong inunahan.
"Ako na magbubuhat kay Caleb" sabi niya. "Baka nangangalay ka na eh." Dagdag naman nito kaya tumango ako at tyka binigay sa kanya si baby. Bumaba na rin ako pagkatapos.
Hindi kalayuan nakita na namin sila Mommy Cristy na nakikipagkwentuhan. Nandito nga pala kami sa isang garden resort na pagmamay-ari daw ng kapatid ni daddy ni Glaiza. Kung titignan mong mabuti napakaganda talaga ng lugar. Ang refreshing din kasi sa paningin.
"Tara ayun sila mom" sabi ni Glaiza kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat naman ako nung bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Naramdaman ko pa ang pagpisil niya nito.
"Ha? Ah tara!" Sabi ko tyka ngumiti sa kanya.
Omygash! Nakakahiya ang dami nila. 😨😱😲 Yan yung reaction ko nung makalapit kami sa kanila. Nakaramdaman ako bigla ng kaba. Jusko, buong angkan ata nila Glaiza ang nandito. Nakakahiya talaga.
"You okay? Bakit ang putla mo?" Tanong niya sakin tyka inakbayan ako. Btw, hawak na nga pala nila mommy si Caleb. Agad kasi nila ito kinuha nung nagmano kami eh.
"Ha? A-ano. K-kasi h-hindi ko naman alam na ang dami niyo pala nandito." Nauutal na sabi ko. Siya naman nakita kong ngumisi lang. Argh!
"Don't worry Rhi. Nandito naman ako eh. Hindi kita pababayaan." Tapos niyakap ako. Ano ba glai? Wag dito. Ang daming nakakakita oh! Wag kang masyadong sweet kinikilig ako. 😍
*araaaaay!* rinig naming dalawa kaya bigla kaming naghiwalay. "Ay, sorry! Dami kasing langgam eh." Si Alchris. Habang kinakamot yung paa.
Napatawa naman kaming dalawa. Halata naman kasing nagbibiro lang ito. Pero thanks to him at pinutol niya yung landian namin dito. Hahahaha.
"Mga anak, halika kayo dito." Tawag samin ng daddy ni Glai kaya pumunta naman kami sa pwesto niya. Nandun siya sa may gitna nakaupo kasama yung ibang mukhang may edad na mga lalaki. Malamang ay mga Tito ito ni Glaiza lahat.
"Bakit dad?" Tanong ni Glaiza nung makalapit kami. At ang nangyare nga ay pinakilala lang naman niya ko sa mga naroroon. Pagkatapos ay umalis din kami kase nag-iinom na sila. Pinipilit nga nila painumin si Glaiza pero tumatanggi ako. Ayoko kasing malasing siya baka mapano pa. Tyka ilang oras na lang din naman magnenew year na.
"Ah, dad libot muna kami ha." Sabi ni Glaiza kay daddy boy. Pumayag naman din ito. At ayun, sa wakas nakaalis din kami sa kanila.
Heto kami naglalakad lakad lang. Hindi alam kung saan tutungo. Bago naman kami umalis binigay namin yung gamit ni Caleb kila mommy eh. Pati na rin yung stroller niya. Para kung sakaling mapagod sila mommy dun na lang nila ilagay si baby.
