"Wait! Ha? Anong sabi mo?" Tanong ni Bianca habang sinusundan ang umiiyak niyang kaibigan.Pagdating nila sa kotse ni Bianca duon na humagulgol ang kanyang kaibigan.
"Huy bestie ano ba? Ano bang nangyayare sayo? Sa inyo?" Pag-aalalang tanong nito.
Pero imbis na sagutin ang tanong ay nanatili lang ito sa pag-iyak niya. Wala nang nagawa si Bianca kundi hayaan na lang ang kaibigan hanggang sa maging okay ito.
Pinagdrive na niya si Rhian pabalik sa bahay nito. Habang ang isa naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakatingin sa labas sa kanilang dinadaanan.
"Sa tingin mo baliw na ko?" Napatingin naman si Bianca sa biglang pagsasalita ng kanyang kaibigan. Nakikita niya ngayon na namumugto na ang mga mata nito.
"Medyo," pagbibiro nito. Bahagyang natawa naman ang isa. "Ano ba kasing iniiyak mo?" Tanong nito.
"Hays," tanging narinig nito mula kay Rhian.
Muli namang ibinalik ni Rhian ang kanyang tingin sa malayo. Hanggang ngayon iniisip pa rin niya kung tama ba ang ginawa niyang pagpapalaya sa taong minamahal niya.
"Kung tayo talaga ang itinadhana hanggang sa huli tayo pa rin." Tanging bagay na pinanghahawakan na lamang ngayon ni Rhian.
-
Nananaig pa rin ang pagtataka ni Glaiza matapos siyang iwanan ng kanyang asawa. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ito sa inasta ni Rhian kanina. 'Ang weird niya' sabi nito sa sarili habang nakatingin sa mga envelope na binigay sa kanya ni Rhian kanina.
"Ano ba kasi 'to?" Habang nakatingin sa envelope. Balak na sana niyang buksan at tangkain tignan ang nilalaman ng bigla niyang narinig ang pag-announce ng flight niya. Kaya nagmadali na itong naghanda para sa nalalapit na pag-alis niya.
"Chynns!" Tawag niya ng atensyon sa kanyang kaibigan.
"Oh bakit tsong?" Tanong nito.
"Ikaw munang bahala kay Rhian ha? Please update me kung kamusta siya. Tyka wag mo siyang pababayaan. Kung sakali man may mangyare tawagan mo ko kaagad."
"Oo naman tsong! Sige makakaasa ka. Akong bahala sa kanya."
"Salamat!" And she pat her best friend shoulder before she's taking goodbye to her.
Ilang oras din ang lumipas at nakarating na rin si Glaiza sa France. Humanap muna ito ng matutuluyan at pagkatapos ay wala na siyang sinayang na oras at hinanap na niya si Solenn.
Nagtanong tanong na rin ito sa mga tao sa France kung may nakakakilala ba kay Solenn pero laging pag-iling lang ang nakukuha niyang sagot.
Madilim na at kailangan na niyang magpahinga kaya napagpasiyahan nitong bumalik sa tinutuluyang hotel.
Hindi na nito nagawang kumain at dumiretso na ito matulog dahil sa pagod.
Kinabukasan ay maagang nagising si Glaiza. Dahil wala naman siyang kahit anong gamit na nadala ay napagpasyahan na lamang niyang lalabas para makabili na rin ng damit at pagkain.
Kukunin na sana niya ang wallet niya sa table ng bigla niyang matunggo ang envelope na binigay sa kanya ni Rhian.
"Basahin mo na lang pagdating mo ng France. And please sign it right after." Pag-alala nito.
