"Ang dami namang musical instruments dito. Is this all yours?" Tanong ko kay Glaiza. Ngayon ko lang napansin 'to simula ng pumunta kami dito."Hey! Don't touch that!" Pagpigil nito.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Wala. Sige na! Mom calls you! Kanina ka pa niya hinahanap sakin" pinapalayo naman niya dun sa mga instruments niya. Psssh! Sunget.
Wala na kong nagawa kundi bumaba na lang at puntahan sila Tita. Nakita ko sila lahat na nasa garden.
"Ayan ka na pala Rhian. Halika! Dad wants to eat dinner outside. Maliit na celebration lang dahil nakasama ka na namin" inakbayan naman ako ni Tita.
Nakakahiya naman kung tatanggi ako sa kanila.
Lahat sila nandun except for Glaiza na nasa kwarto pa din ata niya hanggang ngayon.
"Rhian, dito ka na maupo! Si Glaiza na nagtabi sayo." Sabi ni Tita. So naupo ako dun sa dalawang hindi pa naooccupy na upuan.
May mini videoke din dun. Hindi pa nga lang ginagamit dahil hindi pa sila tapos na kumain.
Nakabalik na rin si Glaiza bago pa magsimula ang kainan.
"What takes you so long?" Bulong ko sa kanya pagkatabing pagkatabi niya sakin.
"Wala kinausap lang si solenn" sabay iwas ng tingin.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni lolo (Mr. Galura). Tinignan ko lang siya at inintay na sumagot.
"Magdasal na muna tayo bago kumain. Ama, maraming maraming salamat sa pagpapalang binigay niyo po sa aming pamilya. Masaya kami na nagkakasalo salo ngayon sa hapag kainan............" Lahat sila sincere na sincere sa pagdarasal. Lahat nakayuko at nakapikit ako lang yata ang tanging nakadilat. Ang bad ko naman! 😅 pinikit ko na lang din ang aking mga mata. At nagdasal ng mataimtim. "Sinasamo ko po ito sa pangalan ng Panginoong Hesu Kristo"Sabay sabay nilang sabi ng "Amen!"
"Ok kainan na!"
After the dinner tyka pa lang nila sinimulan mag videoke.
"Hey Rhian! Do you sing?" Tanong ni alcris.
"Ha? Eh... Hi-hindi masyado" sagot ko.
"Sige na hija! Ikaw na magsimula. Ngayon ka lang namin maririnig kumanta" sabi naman ng daddy ni Glaiza.
Si Glaiza naman natatawa lang na nakatingin sakin. Ehmm! Di man lang niya ko pagtanggol sa kanila. 😣
"Sige na rhi! Pagbigyan mo na sila. Alam ko namang magaling ka!" Sulsol pa nito.
Wala na kong nagawa kundi kunin yung mic. Naghanap ng magandang kanta.
Be with you by Aicelle Santos
The moment we met
I just couldn't explain
I find myself drawn to you naturally
When I saw your eyes everything changed
