Kasalukuyan akong nasa office ni Lolo. Nakaupo siya sa table niya habang nakatayo naman ako sa harapan niya."Lo? Bakit niyo ko pinapatawag?" Pag-uumpisa ko.
"Well, I'm glad you're here today. How was your vacation with Rhian?" He asked, looking at me.
"It's...." I stopped. Ano ba dapat kong sabihin? Na naging daan lang yung bakasyon namin sa paglayo namin ni Rhian sa isa't isa? Na hindi naging maganda yung mga nangyari nuon habang magkasama kami? Na mali yung ginawa kong pag-amin sa kanya? Ano ba? Ano ba dapat kong isagot?
Natingin ako sa kanya at tila naghihintay pa rin siya sa pagsagot ko. "Uhmmmm...." I hummed. "Ang hirap magsinungaling sa taong pinagkakatiwalan ka ng sobra." Di ko alam kung tama ang gagawin kong pagsisinungaling sa kanya pero ayoko naman mabahala siya. "It's great. We spent together our vacation well." I said, smiling. Sana naman lumusot.
"Oh! Good to hear that. So, is this means that you two going closer together na? Makakaasa na ba ko na malapit na ko magkaroon ng apo sa inyong dalawa?" Namilog naman ang mata ko sa kanya. "Oh! Shit. Wrong move yata. Akala ni lolo okay na okay kami ni Rhian dahil sa sinabi ko. Syet!"
"Eh, Lo di ba we talked about that na? Hindi naman na sinasabi kong ayaw namin pero kasi.....hindi pa namin napagkakasunduan ni Rhian yung tungkol dito." 😅 napapakamot na lang ako ng kilay dahil sa hindi ko alam ang sasabihin ko sa Lolo ko.
"Pero, nasabi ko na sa inyo di ba na matanda na ko? Gusto ko namang makita ang mga apo ko sa inyo. Is this a bad wish for me to be happy? Na before akong mamatay I can already see my grandchild on you?"
"I'm so sorry Lo. Uhm, but if you don't mind. What if, Rhian and I agree to adopt a child. Is it okay with you? You know. At least kahit dun man lang di ba magkaroon kayo ng apo. And isa pa, we both know na hindi pwedeng makabuo ang parehas na babae. Kaya hindi rin po namin kaya ibigay yung gusto niyo."
"Hmmmmmm" nakita ko ang paghawak niya sa baba niya at tila nag-iisip. Sana naman! Kahit dun man lang pumayag siya. "Okay! Basta napagkasunduan niyo ni Rhian mag-adopt I'll be okay on that." Sagot niya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Well, at least medyo nabawasan na aalalahanin ko di ba? Pero mas mahihirapan naman ako kung sa ibang tao pa ko mag-aadopt ng baby. eh siguro naman okay lang kahit may age na.
"One more thing Lo. Can we adopt a child? As in a younger child. Ages 10 years old? Something like that." I suggested. May kakilala kasi ako. At sobrang malapit saming dalawa ni Solenn. Gusto ko na rin siyang makasama.
"Why?" Nagtatakang tanong niya.
"Well, we can easily take care that child. Hindi na tayo maghihirap changing his/her diaper di ba?" Grabeng palusot yan Glai hindi kakumbinsi-binsido.
"I like the idea" sabi niya medyo nangiti naman ako dun pero nagsalita pa ulit. "Pero, mas gugustuhin ko pa ring mag-alaga ng baby. Gusto kong makita ang paglaki nito. So, I'll just go with adopting baby." Pasya niya. Ako naman wala ng magagawa dahil yun na ang desisyon niya. Hay, hindi ko na siguro siya pwedeng ipakilala sa pamilya ko. 😩
"As you wish Lo" sabi ko.
Sabay naman kaming napatingin ni Lolo nung may biglang pumasok sa room niya.
"Wala man lang respeto" bulong ko after ko makita ang magaling kong pinsan na papasok ng office.
"Hi Lo! I'm sorry I wasn't able to knock on your door. Buti na lang wala kang importanteng bisita at hindi ako nakakaistorbo sa inyo." Pagpaparinig niya habang nakatingin sakin. Kapal talaga ng mukha nito. Isa na lang sasamain na talaga yang kumag na yan sakin.
