"It's nice to be back here in manila! Yey! Bigla kong namiss yung kwarto ko" sabay takbo ni Rhian sa kwarto nila ni Glaiza.
Nagbababa naman ng mga gamit si Glaiza at kanyang ama.
"So paano anak, magstart ka bukas sa resto nila Rhian behave ha. Baka gumawa na naman kayo ng gulo dun"
"Dad I'm not child anymore. Dapat si Rhian ang pagsabihan niyo niyan"
"Hahaha! Osiya naihatid ko na mga gamit niyo jan. Mauna na ko ha!" Pagpapaalam nito. "Teka, bago ko makalimutan may surprise nga pala kami ni Gareth sa inyo ni Rhian" tuluyang pagpapaalam nito.
Sa kabilang banda pagkapasok ni Rhian sa kwarto ay bigla na lang itong napasigaw na parang may multong nakita.
"Aaaaaaaaaaahhhh!" Sigaw nito. Nagtaka naman si Glaiza kaya napatakbo ito ng mabilis para mapuntahan si Rhian.
"Oh bakit ano nangyare?" Tanong nito.
Gulat pa ding tinuro ni Rhian ang left side ng kwarto. Maging si Glaiza ay nagulat din sa nakita.
"Malaking picture frame ng kasal natin?" Tanong nito.
"Obvious ba?" Tanong din ni Rhian.
"So ito pala sinabi ni dad na surprise nila? Namaaaaaan!"
"Cute naman kaya!"
"Anong cute jan?"
"Para talaga tayong couple. Hihihihi ✌"
"Sira. Tulungan mo na nga lang ako tanggalin to. Baka mainlove ka pa sa kagwapuhan ko."
"Huh! Ayoko nga! Ganda ganda ko jan eh. Kung gusto mo takpan mo na lang mukha mo then hayaan mo na lang yung sakin na kita" taas baba ng kilay.
"Kaarte! Dali na tanggalin na natin."
"Ikaw kaya ang maarte. Wag mo nga lang tanggalin binigay yan nila tito tapos itatago mo lang?"
"Bahala ka nga!" Sabay walk out.
-----
"Saan mo dadalin yang mga unan?" Takang tanong ni Rhian kay Glaiza.
"Sa labas"
"Bakit?"
"Kase dun ako matutulog. Haler?"
"Haler! Sino may sabing dun ka matutulog? Dito ka sa kama!"
"Ah talaga? Bakit sa labas ka ba matutulog? Magandang idea yan ah. Sige labas ka na. Good night!" Sabay takip ng kumot at unan ni Glaiza.
"Glaaaaaaaaizzzzaaaaaaaaa!"
Nanlaki naman ang mata ni Glaiza kaya tinanggal niya ang talukbong niya.
"Ano?" Halata mong kinakabahan. Nakakatakot ang aura ni Rhian. Halata mong galit na.
"Anong sabi mo?" Awtorisadong tanong nito.
"Ha? Ah..... Eh......" First time mautal ni Glaiza kay Rhian. Hindi nito alam ang sasabihin niya. Masyado na siyang natatakot sa dalaga.
"Sabi ko lalabas na ko kasi dun ako matutulog" patayo na sana siya ng bigla siyang hilahin pahiga ni Rhian. Ngayon nasa tap na ni Glaiza si Rhian.
"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong ni Glaiza.
"Akalain mo nga namang kinakabahan din pala ang isang katulad mo?" Malokong tanong ni Rhian. Ginagala naman ni Rhian ang kanyang isang daliri sa balikat ni Glaiza pababa sa mga braso nito.
"Tigilan mo ko nakikiliti ako"
"Eh kung ayoko anong gagawin mo?" Lumapit naman ang mukha nito malapit sa mukha ni Glaiza.
