Chapter 1

2.3K 55 8
                                    

"The darkest places in hell are served for those who maintain their mortality in times of moral crisis." -Dante Alighieri

Chapter 1

          Gamit ang BMW na kulay pink at namamayani sa Hello Kitty design ay pumunta na ko sa school ko to make some errands.

Malapit na kasi ang Ball at ako ang coordinator nila pag dating sa designs at kung ano ano pa na may kinalaman sa pag coordinate ng mga needs nila.

I parked my BMW tas pumasok na ko. Heads high. Shoulders high. Chin up. Ganyan lagi ang entrada ko pagpapasok sa school.

"Ayan na si Cassie Santiago. Ganda talaga nya yung curly hair nya sa dulo parang di na gugulo. She's a goddess." Bulong ng isang girl matapos kong maglakad sa hall nila. Napangiti na lang ako. Oo na ang ganda ko talaga.

"Tss maputi lang naman sya saka mayaman. Ang bitch pa minsan." Bulong naman nung nalampasan ko. Oh well, di natin maiiwasan na may mga haters wala eh ganun kasi talaga pag famous. Hindi ko na lang pinansin dahil mga ingetera lang mga yan sayang lang ang beauty ko pag pinatulan.

Saglit akong tumigil sa isang room kung saan hinanap ko si Yvette ang bestie ko sa campus.

"Where's Yvette?" Tanong ko sa isang kaklase nya. Hay na ko parang may feels na ko kung nasan na naman sya.

"Lumabas Ms Cassie." Tumungo na lang ako at dumeretso na sa gym kung saan gaganapin yung ball. I know may ginagawa na namam kaweirduhan si Yvette.

When I was there nakita ko si Korah Mendez. Ang isang frustrated na babaeng gusto maging kagaya ko nakakasar pa bebe pa minsan. Naririnig ko na nagmamagaling na naman sya. Keso panget daw yung kulay ng theme na yung color na ako mismo ang nagpili! Like duh? She's getting into my nerves!

I flipped my hair at tinawag ko yung mga members ko na kausap nya.

"Dona ilagay mo na yung lights. I want it gold." Utos ko sa kanya habang inabot naman sakin ni Trina yung mga papel na I need to read para sa sponsors na nakausap ko na para na rin ma promote yung product nila sa gaganapin na Ball.

"I think blue is the right color Cassie." Singit ni Korah. Makita ko palang yung mata nyang pang mangkukulam naiinis na ko! I smile. Pag nagpakita ako ng pagkairita malamang matutuwa tong bruha na to. Cassie, makipagplastikan ka na lang.

"Vintage ang theme ng ball. Why do I need to put blue colors?"

"Blue makes it cool!? Di ba guys?" Aya nya sa mga kasama ko. Ang hirap din sa babaeng to ang kitid ng utak! Vintage nga ang theme bakit lalagyan ko ng blue colors? Buweset!

Inabot ko kay Trina yung mga papel at hinarap ang babaeng to. "Ms Korah Mendez. Blue is not cool. It's not appropriate to the theme. Kaya sana shut your damn mouth." nakataas ang kilay ko at tinignan sya mula hangang paa.

Napansin ko na lumapit yung fan girls nya na mukhang balak na ko tusukin ng dala nilang ballpen.

Ang cheap naman ng mga mukha! Lumapit din yung mga fan girls ko at pinagtangol ako.

Ngumisi si babaji a.k.a Korah. "Kung di mo lang siguro nilalandi yung dean natin e di ako sana ang coordinator ng ball. You're a big time slut Cassie."

"Kung tingin mo yon. Hindi kita lalabanan sa sinabi mo. Why? Ganun kasi mag isip ang mga losers na kagaya mo." Akala nya ah.

"Dahil lang sa kulay nag aaway na kayo." Napalingon kaming dalwa sa nagsalita.

"Yvette!" sigaw ko. Lalapitan ko sana sya pero napahinto ako. Ano na naman dala nya?

"Cassandra halika na mamaya ka na bumalik dito may sasabihin ako sayo." Bumaling ang tingin nya sakin matapos titigan si Korah habang hinahaplos nya yung dala nya piglet. Ganyan si Yvette weird na kung weird. At kung san nya nakuha yung piglet ay hindi ko din alam. Ewan ko ba pano ko naging kaibigan yan.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now