Chapter 4

1.1K 40 5
                                    

"You pierce my soul. I am half agony, half hope."- Jane Austen

Chapter 4

Hindi ako makatulog kaya bangag ako ngayong umaga. Naririnig ko sa labas ang mga yabag ng paa nila. Marahil sila ang mga kasamahan ko dito. Naisip ko na baka magtaka si Yvette kung bakit di ako napasok. Wala naman sakin ang phone ko dahil na kay Vincent para matawagan ko sya.

'Yung Vincent Morgan na 'yon sana hindi na lang talaga ako sumakay sa elevator at tama si Yvette eto pala ang ibig sabihin ng panaginip nya. Napabangon ako sa hinihigaan ko. Kailangan kong makausap si Vincent. Gusto ko maliwanawan pa sa mga sasabihin nya.

Agad ko sinuot yung sapatos ko at lumabas ng kwarto. Pero malawak ang institute na ito san ko sya hahanapin?

Lumiko ako sa kabilang bahagi. Hindi kagaya nung nasa hallway na halos mabulag ka sa puti. Dito halos itim makikita mo. Walang tao?

Sa di kalayuan may nakita akong isang malaking pinto. Makikita mo rin sa bawat pader na dinadaan ko ang ibat ibang paintings. Isa na siguro ang nakapukaw ng atensyon ay ang painting na si St. Michael na sinusubukan patayin ang demonyo.

Naalala ko nung bata ako. Tuwang tuwa ako tuwing nakakakita ako ng statue ni St. Michael. Kaya di ko mapigilan mapangiti sa ganda ng painting.

"Do you like it?" isang boses ng lalaki ang umapaw sa likod ko. Napalingon ako dito at tumabad sakin ang isang lalaki na mukhang nasa mid 40's na. May patch ang isang mata nito at nakasuot ng black suit. Lumapit din ito sa painting at masidhing tinignan.

"Maganda sya. Kayo ba nagpainting nito?" makapal kong tanong sa kanya. I can't deny it. He's very intimidating hula ko nga mataas katungkulan nya dito. "I'm not. My wife did." Nagsmile sya habang sinasabi ito. "She's very a talented woman."

"Oo nga eh. Sa lahat ng nakasabit na paintings ito lang ang bukod tangi. Eto lang po ang paint nya hindi ba?" sabi ko habang ginagala ko ang paningin ko sa ibang painting at hangang napatingin ako sa kanya na laking gulat ko ay nakakunot na ang noo. "How did you know?"

Takang taka ang tanong nya. "Kasi kung ihahambing sa pagsusulat iba ang construction at details nito. Saka..." pagputol ko habang minemezmorize yung paintings. "Malungkot ang pagkakapinta baka po inaaway nyo asawa nyo habang ginagawa nya ito." Narinig ko na napatawa sya sa sinabi ko.

"You impressed me." Sabi nito.

"Po?" tanong ko pabalik. Umiling iling lang ito habang nakangiti pa rin. "Matalino ka. Anong pangalan mo iha?" nakaharap na ito sa'kin at nakangiti.

"Cassie Santiago po. Isa po ako sa participants sa Devil Game may hinahanap kasi ako alam nyo ba kung san ang kwarto ni Vincent?"

"Di mo makikita dito ang kwarto nya Cassie dahil nasa General Lounge ka. Nasa kabilang dako pa ang kwarto nya." Paliwanag nya. General Lounge pala ang tawag sa lugar na ito.

"Kung gusto mo ay ihahatid na kita na sa kwarto nya." Magiliw na anyaya nito.

"Naku wag na po nakakahiya po sa inyo. Ano po palang pangalan nyo?"

"It's my pleasure to help you. Saka para na rin matour na rin kita Iha." Dahil mapilit sya pumayag na ko. Una kaming dumaan pabalik sa pinangalingan ko hangang sa pinakita nya sakin ang mga room.

"Eto naman ang torture room." Turo nya sa isang itim na pinto. "Dyan pinaparusahan ang mga assassin na nalabag sa rules ng Mortal Brigade."

"Mortal Brigade?" taka kong tanong. Ngumiti naman sya sakin at nagsimula ng maglakad muli. "Napunta ka dito pero hindi mo alam ang Mortal Brigade?" matawa tawa ito. Eh paano po kasi bigla na lang nya akong hinila papunta rito. As in clueless ako kaya gusto ko makita si Vincent.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now