Chapter 12

823 36 23
                                    


"Good people do not need laws to tell them to act responsibly, while bad people will find a way around the laws"- Plato

Chapter 12  

Ayos na ang kanan kong kamay. Makalipas ang isang linggo ay naiigalaw ko na itong muli. Mabuti na lang talaga hindi na apektuhan ang inner nerves ko kundi paralisado na talaga ang kanan kong kamay.  

"Ang tanga mo naman. Sabi ko itaas mo pa ang sipa mo!" Singhal sa akin ni Vincent habang tinuturuan nya ako ng karate.  
Bwisit na lalaking to. Ang hilig manigaw! Eh katabi lang naman nya ako! Tinitigan ko lang sya ng masama at pinagpatuloy ang pag sipa sa human figure.  

Naging maayos naman ang pangalawang pagsubok namin. Hinimatay lang pala si JT! Kinabahan talaga ako ng araw na yon! Akala ko nakapatay na ako! Natangal si Ken sa pagsubok hindi nya kasi nabaril ng ayos ewan ko ba bakit hindi si Freddie ang natangal.

  "Tama na yan. Do 200 push ups." Namilog ang mata ko sa sinabi nya.

  "200!? Bat ang dami!?" Hinihingal kong sabi habang nakita ko syang umiinom ng tubig.  

"300 na lang pala."

    "Ano!? Bat nadagdagan?!"

  Humarap sya sa akin at siningkit ang mata.

"Sa bawat pagreklamo mo isang daan ang dagdag kaya kung ako sayo gawin mo na lang Santiago." Malamig na sabi nya.

  Tinitigan ko na lang ulit siya na parang di na sya aabutin ng bukas.  

"Wag mo ko titigan ng ganyan baka may gawin ako sayo." Bigla akong ngumiti.  

"Ikaw naman, tinititigan kita kasi ang gwapo gwapo mo! Sa sobrang gwapo gustong gusto na kitang kurutin!" Matawa tawa kong sabi. Nag palusot na ako nakakatakot kasi yung banta nya.

  He smirked. "Sige na. Mag simula ka na." tumalikod na ito at dumila ako sa kanya ng di nya nakikita. Napaka!!! Hmmp!

  Ginawa ko nga ang 300 push ups pero nasa 150 pa lang ako! Hindi ko na ata kaya. Lambot na ang braso ko!

  "153...155" bilang kong mahina para di nya marinig pagligtang ko sa number.  

Nagbibilang pa rin ako ng naramdaman ko na may umupo sa likod ko na kinadapa ko ng tuluyan dahil sa bigat! Lumingon ako at nakita ko si Vincent na nakaupo sa likod.

"Uy! Anong ginagawa mo!?"  

Nakahalukipkip ito. "Ituloy mo pag push up."  

"Sira ka ba? Nasa likod kita paano ko gagawin ang bigat bigat mo!" Hirap na hirap kong sabi.   

"Gagawin mo o magiging 400 push ups ang gagawin mo?" Hanep talaga tong si Vincent. Hindi ko alam kung may galit ba to sakin at pinaparusahan ako ng ganito!  

  Hindi na ako umangal at ginawa na lang ang push ups kahit nakaupo sya sa likod ko. Inabot ata kami ng gabi matapos at gutom na ako.  

"3--00" pagkasabi ko non bumalsak na talaga ako. Pakiramdam ko di na ako aabutin ng bukas.

  "Okay na ba Mr. Vincent Morgan?" Sarcastic kong sabi nakita ko na tumayo na sya sa likod ko at nag squat sa harap ko. Ginulo nya ang buhok ko at nakita ko ang pag ngiti nya. "Kaya mo pang tumayo?" Para akong bata sa ginagawa nya.  

The Red AssassinWhere stories live. Discover now