Chapter 2

1.3K 41 2
                                    


"Evil is the product of the ability of humans to make abstract that which is concrete" –Jean-Paul Sartre

Chapter 2

Grabe! Halos lumuwa ang mga mata ko sa laki ng sugat nya sa may tagiliran. "A-anong nangyare sa'yo?"

"Kumuha ka ng alak." Humawak sya sa balikat ko at parang matutumba. Agad ko syang inalalayan at inupo sa sofa ko.Shems hindi ko sya napansin na may sugat pala sya para ding gripo kung tumulo yung dugo! OMG!

"Dito ka lang tatawag lang ako ng ambulasya." Agad akong tumayo para abutin yung telepono ng bigla nyang hinila ang kamay ko at napalapit sa katawan nyang nakasandal sa sofa at kung 'di lang ako natataranta sa oras na 'to baka matulala na ko sa kumpletong pandesal nya sa tyan.

"'Wag kang tatawag ng kahit sino. Ikaw lang at ako. Naiintidihan mo ba?" nakakakiliting bulong nito sa tenga ko habang tinutok nya sakin yung dala nyang baril. "Follow my instructions." Sa takot ko hindi na ko sumagot. Jusmiyo, ano ba tong nangyayare sakin!

Inutos nya kumuha ako ng alak at isang tela,sinulid at karayom taranta man ay sinunod ko lahat ng gusto nya. Puro dugo na din yung suot kong floral dress na binili ko pa sa Paris. Mantsado na ng dugo!

"Nakuha ko na lahat anong gagawin ko dito?" taka kong tanong habang hawak yung mga pinapakuha nya.

Puro pawis na ang noo nya at hinihingal. Naawang ewan ako sa kanya gusto ko na talaga syang dalhin sa hospital pero ayaw nya!

"Ibuhos mo yung alak sa sugat ko."

"Huh?"

"Narinig mo na dib a? Uulitin ko pa ba ulit? Malapit na kong mamatay oy!"

"Pero—mahapdi 'to?!"

"Gawin mo na lang!" sa sigaw nya nataranta ako bigla. Mukhang gusto gusto na nya talaga ibuhos ko tong alak. Bahala na nga sya naman masasaktan!

Binuhos ko lahat ng alak sa may sugat nya. Kinagat nya yung suot nyang black tshirt nya kanina para hindi sya sumigaw ng malakas. Napapahawak ako sa bibig ko habang ginagawa ko iyon kulang na lang sumigaw din ako!

"Tahiin mo naman." Hirap nyang sabi habang hinang hina na. Nadal'wang kurap na parang di ako sigurado sa sinasabi nya.

"Are you crazy? Tatahiin ko yang sugat mo?! Look, HRM student ako at hindi nurse ang tinatake kong degree, kung gagawin ko 'to baka mas lalong lumagay sa panganib ang buhay mo!"

"Damn it! Gawin mo na!"

"No! Shoot me to the head but I won't do it! Kung gusto mo tawagin natin yung bestfriend ko. She's a nursing student pwede nya tayong matulungan."

"Di ba sabi ko ikaw lang at ako ang dapat nakakaalam!?"

"I don't know what you are or what secrets you keep but believe me she can be trusted." Tinignan ko sya sa mata ng buong sinsiridad n asana maramdaman nya. Ayoko talaga gawin ang bagay na 'to. Mapagkakatiwalaan si Yvette kahit weird sya alam kong pwede pagkatiwalaan.

"The answer is still no. Gawin mo na Cassa!" halos isigaw na naman nya ang boses nya pero may halong pagmamakaawa.

Napapikit ako at tinignan ang mga kamay kong puno na ng dugo. Tinignan ko sya at ang karayon at sinulid. At isang katagang sikat na sikat ngayon ang sinabi ko sa sarili ko. Bahala na si Batman!

"It's not Cassa! It's Cassie!" pagtama ko sa pangalan ko habang tinatahi ko na yung sugat nya. Nanginginig ang mga kamay ko. Madalas talaga to sakin lalo na kapag pressure, ninenebyos pero I try to calm myself baka magkamali pa ko.

The Red AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon