Chapter 7

899 41 2
                                    

"If you win, you need not haveto explain. If you lose, you should not be there to explain."-Adolf Hitler

Chapter 7

Namamawis na rin ang noo ko kagaya ng mga katabi ko. Paano nga ba sya namatay? May tubig daw sa paanan nito. Walang upuan na nabangit kung paano sinabit ng biktimi ang sarili nya sa lubid para makapag bigti?

At may tubig sa baba nito. Di kaya ihi yon? Paano nga sya namatay? May mga tubig sa sahig...

"Last two minutes." sabi ni Major Hector na nakabantay sa amin.

Shit! Ngayon pa tumigil ang utak ko! Ano ba Cassie!? Think! Tumingin ako sa paligid. Nakita ko si Vincent sa labas ng mirror phase window. He was intensely looking at me. Naka ekis ang mga braso nito. Nakakatakot na naman ang mala mata nyang agila at kumukurba ang maliit na peklat nito sa ilalim ng kaliwa nyang mata.

Mas lalo lang ako napressure sa kanya. Ewan ko ba! Bumalik na lang ako sa tuon ng white board.

Nakita ko tumayo na si JT at nagpasa pagkatapos ay diretso ng lumabas ng room. Ang galing naman nya kahit payatot. Di man lang ako binulungan ng sagot.

Sumunod na si Freddie na lumingon pa sa akin at ngumisi ng pagkayabang yabang akala mo naman tama ang sagot nya. Marami na rin ang nagpasa pagkatapos nya. Ilan na lang kaming natitira. Pag hindi ko ito nasagot ng tama hindi ko alam kung san nila ako dadalhin.

"One minute." Malalim na tugon ni Maj. Hector.

Pumikit ako at nag exhale inhale. Bahala na si batman pero iyon lang talaga ang nakikita kong posibleng sagot.

Sinulat ko na ang sagot. Tinignan ko muna ito at nag cross sign bago ipasa. Bahala na.

Pagkalabas ko agad kong nakita ang mga kasali na nakaupo sa sahig ang ilan ay nakasandal sa pader.

"Napakahirap naman nung crime riddle na yon." sabi nung maigisi ang buhok na babae. Mukha din syang mas bata sa akin.

Pumiliktik ang kamay nung medyo katangkaran ko na ang tingin ko pa lang sa aura nya ay maarte ngunit palaban. "Misty, mahirap talaga yun sayo dahil wala kang utak." Panliliit nya doon kay Misty. Napakunot na lang ako ng noo.

Madali lang ba talaga at parang madali sa iba? "Cassie!" Lumingon ako at nakita ko si JT. Nakangiti ito at parang di nangangamba sa resulta.

"Kamusta? Nasagot mo ba ng ayos?"

Umiling ako. "Mukhang hindi ata ako makakasama sa curse 12. Hula lang yung sagot ko."

"Hindi yan tiwala lang. "

"Mukhang sigurado ka sa sagot mo ah?"

"Hindi naman. Nandun na rin ang clue." Mahiya hiyang ngumiti ito.

Maya maya pa ay lumabas na si Maj. Hector at pinapapunta kami sa lounge area doon na daw nila iaanounce ang Curse 12

Hindi ako sumabay kay JT dahil nababanyo ako. Kanina pa ako walang facial check.

Palakad pa lang ako nakita ko na papasalubong sa daan si Vincent. Napansin na rin nya ako at malamig itong nakatingin sa akin.

Sabihin ko na ba anh narinig ko kagabi?

"Vincent.." Mahina kong bangit ng pangalan nya habang papalapit ako sa kanya.

"Wala kang naisagot." Hindi iyon patanong ngunit isang pangungusap.

"Grabe ka sakin ah! Meron naman?" Ngumuso ako. Walang alam ba tingin nya sakin. Dean list ako sa school no! Beauty and brain nga raw ako.

"Base sa mukha mo kanina wala ka talaga maisagot."

The Red AssassinWhere stories live. Discover now