Chapter 13

837 39 5
                                    

"To Love Is To Destroy."- Jace Wayland

Chapter 13

Iniwan ko muna sila sa loob ng sasakyan dahil baka makaistorbo at mailang lang sila sa presensya ko.

Nakakaloka! Jusko! Ako ata ang natatakot sa ginagawa nila. Bukod pa don ay parang pumatla ang panlasa ko. May hindi ako maintindihan sa nararamdaman ko basta ang alam ko lang mali ang ginagawa nila.

Tinignan ko sila sa malayo mukhang masaya sila. Nakikita ko ang ngiti ni Vincent at ang mata nyang tinitignan si Sister Josephine na parang sya ang pinakamagandang babae sa mundo. Naiingit ako.

Bumuntong hininga ako at tumingin papunta sa pintuan ng simbahan. Ayos lang ako bat ba ako maiingit? Eh kasi siguro marami nga ako naging boyfriend pero ni isa sa kanila walang tumingin ng katulad kay Vincent. Gusto lang kasi nila ang publicity sa akin. No love attached.

Pumasok ako sa simbahan. After 4 years ngayon lang ulit ako nakapasok sa sagradong lugar na ito. Tanging huni lang ng ibon ang maririnig mo at sinag ng araw na nangagaling sa malalaking bintana.

Tumingin ako sa gitna at nakita ko ang poon Nya doon. Yumuko ako at lumuhod gamit ang isang paa at tumingin ulit sa Kanya. Lord, kayo na bahala sa akin. Sa haharapin kong bagong pagsubok.

Hindi ko alam kung bakit eto nangyayare sa akin pero iisipin ko na lang na ito na siguro ang kapalaran ko. Gabayan nyo po ako hangang dulo ng pagsubok. At kung ano man ang mangyare na magawa kong masama ay patawarin nyo ho sana ako.

"Santiago!" Umalingawngaw ang boses ni Vincent na agad kong kinalingon. Hinihingal itong nakatayo sa bukana at nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin.

Tumayo ako at nilagay ang hintuturo ko sa bibig ko na parang sinasabing wag maingay.

Tumakbo ako palayo sa aisle at lumapit sa kanya. "Ang ingay mo nasa simbahan ka."

"Akala ko tumanatakas ka na." Malumanay nyang sabi habang napaltan na ng pagaalala ang mukha nito.

"I won't do that. Alam ko naman hahanapin mo ko corner to corner mahanap mo lang ako." Simangot ko sakanya.

Sumunod na si Sister Josephine, ang mahiparot na madre. Oops! Totoo naman hindi ba?

"Aiden nasa loob lang pala sya ng simbahan." Nakangiting tugon nya sa akin. So sa second name pala nya tinatawag si Vincent? Sus.

Inikutan ko lang sya ng mata matapos tumingin sa akin. " Tara na sa labas baka sabay sabay pa tayong tatlong masunog dito sa loob ng simbahan." Lumabas na nga ako ng simbahan at nauna na sa kanila. Bahala na sila i-intepret ang sinabi ko.

Sumunod na nga sila sa akin pero nauna na ako sumakay ng kotse.

Napansin ko lumapit si Vincent sa akin at nasa likod naman nya si Sister Josephine.

"Sa likod ka." Matigas nyang sabi sa akin.

"Huh?"

"Doon ka sa likod, dyan si Phin sa tabi ko." wow ah.

I crossed my arms." Ayoko. Gusto ko dito."

"Acting like a brat?" Iritang sabi nito.

Nilinsik ko tingin ko sa kanya. "I'm comfortable here. Dun sya sa likod."

Hinawakan ni Sister Josephine ang kamay ni Vincent. "Doon na lang ako sa likod Aiden ayos lang sakin." Ngumiti ito na mala angel.

"No." Matigas talaga tong si Vincent! "Aalis ka dyan o pwepwersahin kita paalis dyan?" Maotoridad na naman nyang sabi sa akin. Hay na ko! Mukhang wala akong laban dito! Bweset!!

The Red AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon