Chapter 6

928 34 7
                                    


"Political have no relation to moral."- Nicolo Machiavelli

Chapter 6

"Mayroong tatlong bahay, yung isa kulay blue, yung isa naman kulay red at yung isa naman kulay white. Ngayon, kung yung blue house ay nasa left side tapos yung nasa kanan naman yung red house. Nasan nakapwesto yung white house?" naprapraktis kami ngayon ni Bryan ng mind games sabi kasi ni Vincent ang 1st round daw ay about sa mind games.

"Eh 'di nasa gitna." Sagot ko sa kanya sabay sandal sa upuan ko habang drinidribble nya yung bola. Umiling iling sya at lumapit sa akin.

Nilagay nya yung hintuturo sa ulo nya. "Ano ka ba Cassie, tingin mo ba ganon kadali ang sagot? It's a mind game. Kung ganyan lagi ang sagot mo di ka makakapasok sa final round." Umiling iling pa sya lalo.

Bumalik sya sa pagdridriball at akmang ishoshoot ang bola kahit wala naming basket. Teka nga, laliman ko pa ang pagiisip ko. Hmm.

Halos ilang minute na rin ako nagiisip pero wala talagang pumapasok sa utak ko! Ano ba kasi sagot! Asan nakapwesto yung white house?!

"Nasa tabi sya ng red house!" sagot ko. Tumigil sya ulit at ginulo ang buhok nya. "Mali! Sasabihin ko na nga!" lumapit sya sakin.

"O sige nga nasan yung white house?" inekis ko ang balikat ko at humarap sa kanya.

"Ang white house ay nasa Washington. Dc!" hawak nya yung balikat ko habang sinasabi nya 'yon. Kumunot ang noo ko. "Seryoso ka? O pinaglalaruan mo ko?" mataray kong tanong sa kanya. Paano ba naman kasi! Pigang piga na ko tas ang sagot nasa Washington? Hindi nakakatawa yung joke nya ah!

Ngumisi sya at bumitaw na sa akin. "Cool ka lang, Cassie." Matawa tawa nyang sinabi.

"Paano ako magiging cool e niloloko mo ko! Buhay nakataya dito uy!" umikot ang mata ko sa kanya at tumalikod na. masasayang oras ko dito kay Bryan kala pa naman iba sya!

"Uy! Eto naman. May lesson ako dito." Sabi nya na tumakbo sa harap ko at ngumiti kaya nakausli na naman ang dimple nya. "Minsan hindi mo kailangan magi sip ng malalim. Kailangan mong magisip ng mababaw dahil ang sagot ay madali lang."

"You need to be clever, Cassie." Nakangiti pa rin ito pero inikutan ko lang sya ng mata. Pero tama naman sya. Ang lalim ng inisip ko pero kailangan ko lang maging mastratehiya sa mga tanong.

"Bryan?" napalingon kami at nakita naming si Juliet na kasama si Vincent. Pero hindi ko sya tinignan inis pa rin ako sa kanya dahil ayaw nya ako payagan makita si Yvette!

"Kinakausap mo pa rin yang babaeng yan?" mataray na hinigit ni Juliet si Bryan. Napailing na lang ako sa kanya. "Bakit ka ba nandito sa lounge namin? You don't belong here."

"Tama. Dapat nasa practice area ka kasama mga participants."singit ni Vincent. Pagkaisahan ba naman ako ng dal'wang to!?

"Relax guys, ako nag invite." Inakbayan ni Bryan yung bruha nyang kapatid.

"Umamin ka nga Bryan, dinediskartihan mo ba ang babaeng to?" nakapamewang na si Juliet. Napaka o.a talaga!

"My dear twin sister, nakikipagkaibigan lang ako sa kanya."matawa tawang sabi nito.

Nagbubunganga pa rin si Juliet pero umalis na ko. Ayoko ng makipagtalo sa kanya wala din ako sa mood. Nalulungkot na ko. Gusto ko na pumasok sa school at makita mga kaklase ko na manghang mangha sa ganda ko pero nandito ako ngayon at makikisalamuha sa mga nangangarap maging Red Assassin

Nang nakapasok ako area bumalasok ang mga tunog ng ilang nagsparring at yung ibang nagprapractice ng baril. Yung ilan naman ang sama sama ng tingin sa akin. Siguro akala pa rin nila ako ang pumatay.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now