Chapter 19

834 40 11
                                    

"My dark days made me strong. Or maybe I already was strong, and they made me prove it."-Emery Lord

Chapter 19

Nilagay ko ang bandana sa bibig ko at tinali ko ito sa likod. Hating gabi na sinadya ko ito upang hindi nila makita ang gagawin ko.

Nakasuot ako na fitted tshirt at black pants.

Pupunta ako sa morgue para itakas ang labi ni JT. Malaki pa rin ang pagsisi ko na hindi ko nailigtas ang katawan ni Misty noon kaya gagawin ko ang makakaya ko para mailigtas ang katawan ni JT.

May isang lagusan sa Mortal Brigade ang nabangit noon ni Misty kung saan pwede ka makatakas. Matagal na nya itong sinasabi kay Elias pero hindi naman sangayon siya dito.

Kinuha ko ang admoira na nakalagay sa mesa. Pinagmasdan ko ito. I feel like I have so much power while I'm holding it. I wonder how many people I could kill with this knife.

Umiling ako. Hindi ko aakalain na handa na talaga ako pumatay ng tao. Hindi ko inaasahan sa buong buhay ko na iisipin ko ang ganitong bagay. Nilagay ko na sa knife holder sa belt ko at sinuguradong hindi makikilala ang mukha ko gamit ang itim na bandana.

Binuksan ko na ang pinto ng banyo at tumingin muna sa kaliwat kanan upang tignan kung may paparating.

Meron nga at narinig ko ang boses ni Lt. yuan at Maj. Hector.

"Malapit na ang huling pagsubok. Sino kaya ang mananalo?" Tugon ni Maj. Hector.

"Malamang ang bata ni General. Walang laban ang Elias at Cassandra na yon." I bit my lips when I heard it. Tignan lang natin.

Nang umalis na sila ay agad na ko tumungo sa hospital wing.

Nang makarating na ko ay agad ko ito hinawakan ang door knob ngunit lock ito.Kinuha ko ang hair pin ko sa buhok at dahan dahang kinalikot upang magbukas at hindi naman ako nabigo at agad itong bumukas.

Tumambad sakin ang mga medical equipments. Agad kong nahanap ang morgue ngunit tumambad sakin ang maraming bangkay. Napatakip ako ng kamay sa ilong dahil nanga ngamoy na. Eto ata ang mga bangkay na namatay dahil sa pagsagip sakin. Maraming nadamay pero I live because I still have a purpose.

I shouldn't feel any remorse.

Hinanap ko na ang bangkay ni JT. Isa isa kong tinanggal ang mga kumot na nakataklob sa kanila ngunit wala ito. San nila nilagay ito?

Umalis na ko sa morgue. Maya maya pa ay may narinig akong parang may tumutunog banda sa may likod ng morgue.

Naamoy ko ang usok. Lumapit ako ng tahimik at nakita ko ang dalwang lalaki na naka lab gown at mukhang naglalagay ng uling.

Nakahimlay din si JT sa isang tabi. Nakatalikod ang dalwang lalaki.

Kinuha ko ang admoira sa likod ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila.

Humarap bigla ang isang lalaki na nagulat sa presensya ko.

"Sino ka!?" Ani nito. Ang tingin ko ay seryoso lamang habang nasa kanan kong kamay ang admoira.

Sumugod na ako. Pero nakailag naman ito. Sinipa ko ito sa bandang tyan na kinatras nito. Sumugod naman ang isang lalaki na may katangkaran ngunit agad ko ng natuon ang admoira sa tyan nya. Hinigit ko ang admoira mula sa tyan nya. I slashed it to his face. Bumulagta na ito.

Nakatingin ang isang lalaki na nasa sulok na. He looks so terrified. Lumakad ako papunta rito.

"Pa-parang awa mo na. Hi-ndi na ko lalaban." Sabi nya habang lumuluhod na sa akin.

The Red AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon