Chapter 11

842 39 14
                                    


"Courage knows no limits, cowardice does."- President Rodrigo Roa Duterte

Chapter 11

Nasa gun shooting area ako ngayon habang nilalagyan ng bala ang baril.

"Ang hirap nan Cassie, mahirap bumaril kapag di ka kaliwete." Sabi ni Misty habang nakatayo sa gilid at pinapanuod akong barilin yung maniquin target.

Inaalala ko ang turo ni Vincent na focus lang ako sa target. Pag nagawa ko yon walang mintis ang pagbaril ko.

Pagputok ko medyo malapit na sa noo and I think it's not that bad. Konting practice pa baka maperfect ko na.

"Wow! Ayos ah! Kahit kaliwa gamit mo muntikan na yung target sa ulo." Puri ni Misty habang tinatalbog sa kamay ang stress ball nya.

Tinangal ko ang headphone at shade sa mata ko. "Parehas kanan at kaliwete ako." Paliwanag ko sa kanya habang sumandal ako sa pader at tinignan sya.

"Eh? Talaga?" Takang taka ito.

"Nung bata ako marunong din ako magsulat gamit ang kaliwa ng nagtuklasan yon ng Lola ko nagpanic sya." Napangiti ako bigla matapos maalala ang Lola ko halos sya ang nagpalaki sa akin dahil busy sa trabaho ang mga magulang ko. Kamusta na kaya si Lola?

"Bakit naman?"

"Pamahiin kasi ang Lola ko. Sabi nya ang taong kaya ang ganon ay may sa demonyo daw kaya sinanay nya ako ng gamitin ang kanan kong kamay. Weird nga eh." Sabi ko sabay ngiwi.

Napangiti lang din si Misty sa sinabi ko."Buti na lang kung ganon bukas na ang challenge. Bat naman kasi napasama ka sa gulo nung isang araw."

"Hindi ko rin inaasahan. Isa pa bakit ganon na lang kagalit si General."

"Sinabi kasi nung nahuli nila na ang Black Soul ang may pakana ng ambush." Sabi nya. Napakunot ako ng noo at umupo sa tabi nya.

"Ang Black Soul ang malaking kaaway ng Mortal Brigade pero iba sila. Nabibilang sila sa mga notorious na sindikatong nakikipag areglo sa mga illegal drugs at vigilant killings na nangyayare sa bansa." paliwanag nya.

"Kaya ba nila inambush si General ay para pabagsakin ito?" Tanong ko pabalik.

"Hindi. Balak nilang pasukin ang Mortal Brigade dahil may gusto silang kuhain."

"Sino?"

"Na huli na kasi ang leader nila at nakakulong ito ngayon sa kulungan ng Mortal Brigade. Pero bukod don may isa pang nagpagalit kay General."

Buo ang atensyon ko sa sinasabi ni Misty. Kung ganon pala ay nakakulong na ang leader nila. Naabutan lang talaga ako ng malas.

"Si Messiah ay nasa paligid lang daw at nagpapangap." Tumaas ang balahibo ko sa sinabi nya. "At sa malamang sya ang may dahilan ng pagpatay kay Ruby at Steve."

"At maaring nasa Curse 12 si Messiah. Pwedeng isa sa atin ang Messiah." Malayo ang tingin nito.

Napabuntong hininga ako. "I don't care kung sino man sya. Duwag sya. Bat kailangan nya pa magpangap. Kaduwagan lang yon. Pwede naman syang lumusob agad." Napangiwi ako at inayos na ang gamit ko.

"Hinahanap nya ang nanay nya Cassie."

Tumingin ako sa kanya."Nanay?"

"Hindi ko din alam dahil misteryo na bagay ang bumabalot sa Morgan family. Ang alam ko napatay ang nanay ni Vincent."

"Hindi ko magets. Eh di ba magkapatid si Vincent at Messiah?"

"Magkapatid lang sila sa ama. May butas ang kwento at sila na lang nakaka alam kung ano ba talaga nangyare 20 years ago." Ngiwi ni Misty at kinuha na rin ang gamit.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now