Chapter 5

1K 37 0
                                    

"And all I loved, I love alone."- Edgar Allan Poe

Chapter 5

Nagising ako sa madilim na kulungan. Nakakadena rin ang mga kamay ko. Napalunok ako sa takot. Ganon pa rin ang suot ko. Nasa kamay ko pa rin ang mantsa sa dugo ni Ruby. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa selda. "Pakawalan nyo ko! Hindi ako ang pumatay sa kanya!" sigaw ko pero isang echo lang ang bumabalik sakin. Badtrip! Napagkamalan pa ko! Wala ba silang CCTV para malaman kung sino ang may sala.

"Wag ka na magsalita. Masasayang lang laway mo." Nagulat ako sa nagsalita. Hinahanap ko ito kung nasan dahil madilim ang seldang ito. "Mabubulok ka na rin dito kagaya ko." Sabi nya at tumawa ng malakas.

"Nasan ka ba?!"

"Nasa kanan mo ko." Tumingin ako sa kanan. At nakita ko ang isang selda doon. Babae ito at ang dungis, gulo gulo rin ang buhok nito.Siguro mga na 30's na ang edad nya. "Wala silang papakingan. Dadaan ang batas sa kanila kaya manahimik ka na lang."

"Pero hindi talaga ako ang pumatay!" pagtatangol ko sa sarili ko. Kailangan ko makausap si Vincent. Maari nya ko maintindihan dahil alam nyang di ko kayang gagawin yon. "Kailangan ko makita si Vincent Morgan! Ipakausap nyo ko sa kanya!" sigaw ko muli pero echo lang ang bumalik. Sinipa ko na lang ang selda sa inis ko.

"Anong gagawin nila sa'kin dito?" tanong ko sa babae na umupo at sumandal na ko sa railings ng selda.

"Torture?" tinignan ko ang babae na nakatingin lang sa sinag ng araw na nangagaling sa munting butas sa bintana.

"Ginawa nila yon sayo?"

"Hindi.Pero ang ikulong ka sa madilim at tanging huni lang ang ibon ang maririnig mo. Mas masahol pa sa torture yon." Pinagmasdan ko sya habang sinasabi iyon. Puno nang lungkot ang mata nya. Napahilamos na lang ako sa mukha ko. They can't do that to me. Ni hindi man lang muna ako tinanong.

"They are monsters." She said in gritted teeth.

"Ano bang ginawa mo bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang kamay ko na may mantsa pa ng dugo. Tinignan ko rin ang suot ko. Yung curly kong buhok sa dulo mas lalo pa atang kumulot. Ang baho ko pa at doon ko na unti unti narerealise ang mga bagay bagay. Nandito ako dahil akala nila ako ang pumatay kay Ruby at ngayon hindi ko na alam ang susunod na gagawin nila sa'kin.

Umaasa ako na darating si Vincent para iligtas ako dito. Sana.

"Tinangka kong patayin ang general nila." Napatingin ako sa sinabi nya.

"Bakit?"

"Halimaw sya." Matigas nyang sabi. Ngumiti ako sa kawalan na hindi ko rin alam kung bakit. Dahil siguro masisiraan na ko sa kalagayan ko ngayon. Pero legit naman kaya sya nandito at magkaiba kami ng position. "Lahat sila halimaw."

Paulit ulit nyang sinabi yon. Hangang nawala na ang sinag ng araw na nanggagaling sa butas ng bintana. Baka maggabi na.

Maya maya pa may narinig akong yabag ng mga paa. Hangang nakita ko ang limang lalaki na nakasuot ng pang guard. "Ayun sya. Kuhain nyo." Turo nito sakin. Binuksan nila ang selda ko at binuhat ako ng dal'wang lalaki.

"San nyo ko dadalhin!?"pagpupumiglas ko habang kinakaladkad ako palabas. Hindi nila ako sinasagot. Mga mukha silang bato at di nagpapakita ng anomang reaksyon. Madilim pa rin ang tinatahak namin daan hangang sa tinulak nila ako sa isang pinto.

Napaluhod ako sa lakas ng impact ng pagkakatulak sakin. Lagot kayo sakin pagnakawala ako! Tatandaan ko pagmumukha ng mga gungong na 'to.

Unti unti kong ginala ang mata ko. Masyadong maliwanag kaya di ko agad naaninag hangang sa narealise ko na nasa parang nasa supreme court ako nakabilog sila at nasa gitna ako.. Napapaligiran ako ng mga mukha na nakasuot ng puti na parang toga. Nakatingin sila sa akin. Mga tingin na may panghuhusga.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now