Epilogue

1K 33 4
                                    

   Epilogue

Isang normal na araw muli para sa Mortal Brigade. Isang normal na araw para sa mga Assassin.

"Hangang kelan mo itatago ang sekreto mo Vincent?" Tanong ni Dr. Preston kay Vincent habang nililinis ang kanyang baril sa kanyang silid.

Huminto ito at seryosong tumingin kay Dr. Preston. "Ilalagay ko na sa libingan ang sekretong iyon."

"Lagi mong alalahanin Vincent na walang sekretong di nabubunyag." Mahinahon ngunit may pababantang bangit ng matandang doctor.

"Hindi nila malalaman kung di mo sasabihin. Ikaw at ako lang ang nakakaalam ng bagay na yon."

"Kung hinayaan mo na lamang sya mabuhay mag isa. Hindi na mangyayare to."

Iritang tumingin si Vincent. "Ako na bahala. Wag ka na mange alam. Makaka alis ka na." Sabi nito. Wala nang nagawa ang matanda kundi ang umalis.

Tumayo si Vincent at ginulo ang buhok. Alam nya ang nangyayare at kung bakit nangugulo ang Messiah.

Lumapit ito sa drawer at kinuha ang isang kwintas na may malaking green beads. Ang kwintas na iyon ay pagmamay ari ng kanyang ina.

"Sino ang nagpapanggap na Messiah, Mama?" Malungkot na bangit ni Vincent habang tinitignan ang kwintas.

"Alam ko kung nasan ang kapatid ko pero ginagamit ng kung sino man ang pangalan nya upang makapanakot." Umiling si Vincent at tinabi ang kwintas.

Lumabas na ito ng kwarto nya at nagtungo sa silid ni Cassie ngunit ng kumatok sya ay walanh nasagot. Nagtaka ito at nakitang hindi nakalock ang pinto.

Pagkakita nya ay walang si Cassie ngunit nakita nya ang isang papel sa kama nya. Lumapit sya at binasa ito.

"Ang babaeng yon!" Napakagat si Vincent sa labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang babaeng yon!" Napakagat si Vincent sa labi. Lumabas na naman si Cassie ng hindi nagpapaalam sa kanya.

Hindi nya maitatangi na napalapit na sya sa dalaga. Alam din nya na hindi basta basta ang dalaga dahil sa taglay nitong kakayahan.

Sa isip isip nya ay sana hindi na lang nya binalik ang kotse nito.

Nang proclamation ni Cassie ay hindi nya mawari ang saya na nagtagumpay ang alaga nya. Hindi rin nya napigilan ang magandahan sa suot nyang uniform ng mortal brigade.

Lumabas na muli sya at lalabas na lang din ng MB at pupuntahan ang babaeng kinahihimuan nya.

Si Emma. Ang nanay ni Messiah.

Pumasok na sya sa kulungan nito at agad nakita si Emma. Gulo gulo ang buhok at gula gulanit ang damit.

"Ikaw pala, Aiden." Mahina ngunit ramdam ni Vincent ang ngisi nito. "Kamusta ang anak ko?" Agad tanong nito.

"Nasa pangangalaga ko sya."

"Alam mo ang ibig kong sabihin Aiden."

Napakagat si Vincent ng labi. "I'll keep her from being someone like you. Hindi mangyayare ang gusto mo."

Tumawa ng malakas si Emma. "Anak ko sya at anak sya ng gahaman mong ama? Tingin mo hindi sya magmamana sa amin? Alam mo kung anong klaseng babae ako. I'm an evil and your father is more than an evil."

Ngumisi si Vincent. "Gusto mo sya maging kagaya nyo? Para san? Para sya ang pumatay sa General? Hindi ko sya gagawing halimaw kagaya nyo."

"Makapagsalita ka parang walang dugong dumadaloy sayo ang ama mo? Isa ka ding Morgan."

"I don't know. Mas nakuha ko ang ugali ng mama ko na pinatay mo. Kaya bilang ganti. Gagawin ko ang lahat hindi mo lang masilayan ang anak mong si Messiah."

Tumalikod na si Vincent. Ngunit huminto ito sa huling sinabi ni Emma.

"Wag mo kong lokohin Vincent. Alam kong binalik mo na sya sa Mortal Brigade. At nakita ko na sya."

•••

Kumatok si Cassie sa isang parang bahay bahayang di nya mawari kung bahay pa ba.

Lumabas ang isang batang babae. Ngumiti si Cassie sa bata.

"Nandyan ba mama mo?" Tanong nito.

Nakakunot na tumingin ang bata sa kanya tila tinatantya kung mukha mapagtitiwalaan.

"Ako si Cassie, kaibigan ako ng ate mong si Misty." Sa pagbangit nyang yon ay nanlaki ang mata ng bata at pinapasok si Cassie.

Nakita nya ang masikip na bahay nito. Nakita nya din na nakahiga ang nanay ni Misty. Payat at parang isang ubo na lang.

Lumapit si Cassie sa nanay ni Misty.

"Ako po si Cassie Santiago. Nakikiramay ho ako sa pagpanaw nya." Malungkot na bangit ni Cassie.

Bumangon ang matanda kahit nahihirapan. "Anong kailangan mo sa amin?" Sabi nito na tumingin mula ulo hangang paa ni Cassie na nakasuot ngayon ng black pants at simpleng black tshirt.

"Ako po ang nanalong Red Assassin. Kaya gusto ko po sanang ibigay sa inyo ang napalalunan kong 30 billion." Ngumiti si Cassie. Halata sa gulat ng matanda.

"Bakit mo ibibigay sa amin?"

"Dahil po kay Misty kaya ako nakarating bilang Red Assassin. Niligtas nya po ako kaya utang ko sa kanya ang lahat at ibibigay ko po sa inyo ang napalalunan ko kagaya ng pangako ko sa kanya." Paliwanag ni Cassie na ngayon ay pinapatahan ang mama ni Misty.

Natuwa naman si Cassie dahil tinanggap nito ang pera. Sana ay napapanuod ni Misty ang tangi nyang iniisip.

"Eto pala ang red pump ball ni Misty. Ipinabibigay nya sayo." Sabi nya sa batang babae. Agad naman itong inabot ng kapatid ni Misty. Ngunit bago sya umalis ay nakita nya pa ang luha sa pamilya ni Misty. Hindi nya maiwasan na sisihin ang sarili nya. Kung hindi sana sya nito niligtas ay makakasama pa sana nila ito.

Lumakad na si Cassie pabalik sa kotse nya dahil gabi na at baka nag wawala na si Vincent lalo na at hindi sya nagpaalam ng ayos.

Ngunit biglang sumulpot ang isang lalaking nakamaskarang puti. Napalunok si Cassie.

May baril din ito sa kabila nyang kamay. Maya maya pa ay may wang wang sya ng pulis na narinig. Pagtingin nya ay may humahabol sa pulis dito ngunit ang lalaking nakamaskara ay masidhi pa rin syang tinigtignan.

Anong problema nito?

"Lux in tenebris." Bangit ng lalaki at umalis na.

Kumunot ang noo ni Cassie habang tinitignan ang lalaking nakamaskara habang paalis.

Iniisip muli nya kung saan nya narinig ang salitang iyon.

At ano ang ibig sabihin nito at parang kilala sya ng nakamaskara?

To be continued.....

The Red AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon