Chapter 15

812 36 18
                                    

"Death: There's nothing bad about it at all except the thing that comes before it- the fear of it"- Seneca

Chapter 15

Nagising akong walang tao sa paligid ko. Alam kong nasa med lab ako.

Ang sakit ng katawan ko galing sa pagkakabugbog sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Baka si Vincent na yan. Hinanda ko na ang ngiti ko sa kanya ng nakita ko ang duguang mukha ni Brandon.

Sa gulat ko ay nahulog ako sa kama. Pa-paano siya nabuhay?

Halata ang galit sa mga mata nito. "Paano ka nabuhay?"

Sinusubukan ko ng tumayo kahit hirap ako.

"Hindi kami buhay Cassie." Nakangisi ito habang papalapit sa akin.

Napakunot ang noo ko.

"Konsensya mo ang nagpapabuhay sa amin." Tumingon ako sa likod ko at nakita ko doon si Stan. Katulad rin ni Brandon na duguan ito.

"Nakikita mo ba ito." Tinuro ni Brandon ang leeg nyanh bukas. "Ikaw ang gumawa nito."

Galit na galit ang mata nito. Umiling iling ako.

"Kung hindi nyo ko ginalaw hindi ko gagawin sa inyo yan!"

"Hindi Cassie. Mali ka. Pwede mo naman kaming palaayain.

Pero anong ginawa mo? Pinatay mo kami." Giit ni Stan na ngayon ay unti unti lumapit.

"What kind of monster have you become?"

"Wag kayong lalapit sakin!" Pauulit nilang sinasabi ang linyang iyon. Naririndi na ko!

"Tama na!" Sigaw ko ng hindi ko na mapigilan ang frustration na nararamdaman ko.

Hindi, hindi ako nakokosensya.

"Santiago!"

Isang boses ang nagpagising sa bangungot na iyon. Agad akong bumangon at hinihingal. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa bangungot na yon.

Nasa harap ko si Vincent ngayon. Pamungay ang mata nito na tumingin sa akin. Tila nagtataka kung ano ang nangyayare sa akin.

"Binabangungot ka."

Tumayo ito para buksan ang ilaw. Nasa kwarto nya pala ako at nakahiga sa kama nya. Umupo na muli si Vincent sa tabi ko. Nakasuot ito ng itim na sando at black pants. Mukhang pagod ang mga mata nito.

Oo nga pala kakabalik lang pala nya galing sa isang mission. Teka. Ano na kaya nangyare kila JT, Misty at Elias sa pangatlong pagsubok? Nakaligtas kaya sila? Hindi biro makipaglaban sa mga yon!

"Sinong natanggal sa amin?" Nag aalala kong tanong na sana wala sa mga kaibigan ko ang hindi natanggal.

"Si Rodney. Ang iba nakapasa." Ani nya.

Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang. Tumingin na ako sa kanya pero malumanay pa rin ang tingin nito sa akin.

"You look so tired." Pansin ko sa mukha nya.

Tumingin ito pailalim. "I failed the mission." Bigo nyang sabi. "Bakit?" Napaayos ako sa pag upo ko. I know he's a strong man and not a type that can bring down easily.

"Nakatunog ang BSA sa pag assassinate sa isang politiko. Ang BSA ay isang agent group. Naglabas sila ng counter part na agent para kalabanin ako. Hindi ko rin inasahan na si Agent Crow pala ang pinadala nila." Mangha nito sabi. Nagtaka naman ako.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now