Chapter 8

885 37 8
                                    

"When everyone knows you're monsters. You needn't waste time doing every monstrous thing." - Six of Crows

Chapter 8

Napansin na kami ni Cynthia at agad yumakap kay Vincent na kinagulat naman nya.

"Oh my! Help me Vincent!"umiiyak ito habang mahigpit ang akap.

Huwat?! Hokage din tong si Cynthia! Tsansing lang naman kay Vincent!

Umirap na lang ako habang lumapit si Bryan at lumuhod upang inspeksyonin ang bangkay. Napansin ko naman na hinila na palayo ni Vincent si Cynthia.

Buti nga. Kababaeng tao ang manyak.

Umaagos pa rin ang dugo nito hangang sa may paanan ko. Lumuhod din ako at dinampi ang kamay ko sa sahig kung saan dumadaloy ang dugo.

"Santiago.."

Malagkit ang dugo. Hindi pa ako nakuntento at hinawak ko pa ulit ang kamay ko sa dugo. Hindi ko alam pero may kiliti sa tyan ko..parang nasisiyahan ako na may patay sa harap ko at may dugong umaagos sa kamay ko.

"Santiago!" Nagulat ako sa sigaw ni Vincent at hinila ako patayo.

"What the fuck are you doing!?" Hawak nya ang balikat ko. Galit at di mapaniwala ang boses nya. Parang bumalik naman ako sa wisyo ng narealise kung bakit sya galit.

What the hell...

Tinignan ko ang kamay ko na may dugo. Ano ba tong ginagawa ko?

Napatingin ako kay Vincent na namimilog ang mata. Nag igtim ang panga nya at saka suminghap.

"Pumunta ka sa kwarto ko at mag hugas ka."utos nya sa akin. Naninisik ang mata nitong agila at napapatingin ulit ako sa isang guhit ng peklat sa ibaba ng mata nya.

Napalunok ako at tumungo na lang. Natakot kasi ako sa ma awatoridad na boses nya na dapat wala na akong sasabihin at sumunod na lang.

Tumingin ako sa bangkay sunod kay Cynthia na nakakunot ang noo sa akin.

Hindi na ako napansin ni Bryan dahil busy na ito sa bangkay. Tumingin ako ng huling beses kay Vincent ngunit iba na ang expression ng mukha nya. Naging kalmado na at parang nag aalala.

Bumitaw na ang pagkakahawak nya sa braso ko.

Agad na akong umalis at sinunod ang gusto nya. Miski ako natakot din sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit natutuwa na lang ako kapag may dugo.

Hindi naman ako ganito dati kahit normal pa lang ang pamumuhay ko. Nag simula lang to nung nakita ko pinapatay si Ruby. Anong problema sa akin?

Tumingin ako sa salamin habang sinasabon ang dugo. Napansin kong namayat ako lalo. Nailagay ko ang kamay ko sa noo ko.

Gusto ko umiyak pero hindi ko magawa dahil para saan pa? Masasayang lang dahil hindi naman ako maiiligtas ng luha ko. Naalala ko yung sinabi sa akin ni General Topaz noon sa isang kulungan nilalagay ang mga may sakit sa Blood Lust dahil nagiging brutal daw ito sa pagpatay at hindi na nacocontrol pa. Yun ba ang sakit ko?

Pero paano mangyayare yon? I wasn't born to be like this. I mean hindi naman kriminal at psychotic ang mga magulang ko. Napalaki nila akong maayos pero bakit nararamdaman ko ito?

Lumabas na ako ng banyo ni Vincent at tumingin sa madilim nyang kwarto na tanging lamp shade lang ang pinagmumulan ng ilaw.

Pinagmasdan ko ulit ang mga libro nya. Napakadami. Hindi mo talaga aakalain na nerd sya sa itsurang nyang masculine at napaka gwapo.

The Red AssassinWhere stories live. Discover now