Chapter 17

800 38 6
                                    

"When diplomacy ends, war begins."- Adolf Hitler

Chapter 17

Nakatakip ang ulo ko ng itim na tela habang ang dalwa kong kamay ay nakasabit sa ere. So this is torture.

Ang swerte ko naman. Namatayan na ko ng kaibigan, pinagbibintangan pa ako si Messiah.

Naramdaman ko ang pagbuhos sakin ng malamig na tubig. Maya maya pa ay inalis na nila ang itim na tela.

Nasa harap ko ngayon si Ltn. Yuan. Ang kanan kamay ni General Topaz. May kasamang pagkamuhi ang pananalatay ng tingin nya sakin.

"Hindi ako si Messiah."

Hinawakan nito ang buhok ko at hinigit palapit sa mukha nya. "Tignan natin sa DNA. Para hindi ka na maka tanggi pa. Alam mo bang manang mana ka talaga sa Dark Empress." binatawan na nya ang paghigit sa buhok ko. Tinignan ko sya ng masama.

Kahit matanda na sya parang di lalaki kung makasabunot ng buhok.

Kung ganon kumuha sila ng DNA, ngunit matangal ang proseso non! "Dark empress?" Sino naman kaya itong sinasabi nya.

"Ang ina mo? Kaya ka nandito ay dahil sa kanya hindi ba?" Nandidilat ang mga mata nya. "She is the reason why you're making heinous crime in the institute."

"Tangina naman! Hindi nga ako yung Messiah na kinatatakutan nyo! Ako si Cassandra Jane Santiago!" Naggalaiti na talaga ako at nawawalan na ng pasensya sa mga kalokohan nila!

Gusto ko ng umalis sa madilim at masangsang na lugar na to para makatungtong na sa huling pagsubok! Kailangan kong itupad ang pangako kay Misty.

"May katapusan ka rin Messiah." Pagbabanta nya.

"Kuryentehin yan!" Isang guwardya ang may sinasak sa outlet at isang dalwang stick na may kable ang palapit sa akin.

Lumuhod ito at dinampi ang stick sa paanan ko. Naramdaman ko na agad ang electric shock sa katawan ko parang mahihiwalay ang kaluluwa ko sa sakit!

"Ihinto mo yan!"

Napatingin ako at nakita ko si Vincent papasok sa rehas. Kasama nya si Juliet at Bryan.

"Wala pang verdict bakit kailangan na syang dalhin dito?" He said grimly.

Humarap naman si Ltn. Yuan sa kanya. "I'm afraid to say this Vincent, your father ordered us to torture your sister." Sister?

Napatawa ako kaya napatingin sila sakin.

"Hindi nga ako si Messiah! Paano ko sya magiging kapatid!" Isipin ko pa lang na kapatid ko si Vincent nasusuka na ko.

"Isa pa lalaki si Messiah. I heard him before higit sa lahat hindi sya ang pumapatay." Giit ko.

"Paano mo naman nasabi yon?" Sabi ni Ltn. Yuan. Mukhang nagulat sila sa sinabi ko.

"Nung pinatay si Siguel may sulat doon na galing kay Messiah. He was saying he's not the killer." Paliwanag ko.

"Bakit ngayon mo lang to sinasabi?" Napakagat ako sa sinabi ni Ltn. Yuan. "At higit sa lahat babae si Messiah."

Babae si Messiah?

"Gusto ko makilala si Messiah mag isa kaya naman hindi ko na nasabi. Higit sa lahat si Freddie ang may pakana nito. Hindi totoo ang sinasabi nya!"

Nakita ko napakagat ng labi si Vincent.

"Hindi totoo? Hindi mo pinatay si Stan at Brandon?"

The Red AssassinWhere stories live. Discover now