Chapter 9

891 35 9
                                    

"The only true wisdom is in knowing you know nothing"- Socrates

Chapter 9

"Pag sinabi mo wala. Ipuputok ko sayo ang baril na to. At kapag sinabi mong meron....ipuputok ko sa sarili ko." walang takot nya sabi. Nangangamoy ang dugong binuhos nya sa akin.

This guy is really brutal.

"Sagot Santiago!" Singhal nya na parang naiinip at nakatutok sa akin ang baril. And this guy is indeed inpatient.

Maaring parte ito ng training namin dalwa. Tinitignan nya kung magiging selfish o selfless ako sa decision ko.

"Shoot the gun towards me." kompyansa kong sinabi sa kanya. Ngumisi ito na para bang kumagat ako sa pain nya. Agad nyang tinutok ang baril sa akin.

I trust him. Alam kong walang bala ang baril. Naligtas na nya ako sa maraming pagkakataon. Alam ko rin sya ang nagpasok at nagpalit ng sagot ko para makapasok sa Curse 12. Kung anong dahilan nya ay hindi ko rin alam kung bakit patuloy nya ako nililigtas. Kaya malayo na papatayin nya ako. This is just part of the training.

Narinig ko na ang pagtunong ng safety clutch hudyat na handa na nya hawakan ang gatilyo.

Napalunok ako habang tinigtignan sya at seryoso naman syang nakatingin din sa akin.

Come on, Vincent. Alam ko walang bala ang baril mo dahil hindi mo ko kayang barilin.

Sinusubukan kong tumayo ng diretso kahit gusto ko na ilagay ang isang kamay ko sa ilong ko dahil sa dugong binuhos nya sa akin. Ano bang dugo ito at ganito kalansa?

Maya maya pa ay napapikit ako at umalingangaw ang tunog ng baril. Napayuko pa ako at tumingin sa pader kung saan tumama ang bullet.

Bumalik ang tingin ko kay Vincent na hindi mapaniwala sa nakita ko. May bala ang baril.

Naramdaman ko ang daplis ng bala sa sa braso ko. Tumingin ako doon at nakita ko ang sarili kong dugo na tumutulo.

Hindi ko pinahalata kay Vincent na may sugat ako. Nahihiya ako at naiinis sa sarili ko. Masyado akong naging kompyansa na walang bala ito. Masyado ako naging assuming.

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng desisyon mo, Santiago? In this game you need to be selfish."

Binaba na nya ang baril at masinsinan akong tinignan. Hindi ako naging selfless sa ginawa ko. Ang akala ko lang ay hindi nya lalagyan ang baril ng bala. Masama bang pagkatiwalaan ka?

"All people can harm you. You can't trust anyone,not even your soul. You just need to be selfish to live." inikot nya ang baril sa kamay nya at saka nilagay sa gun holder belt na nakasuot sa kanya.

"Pero kung yan ang first lesson mo anong konek nitong pag buhos mo sa akin ng dugo?" Mataray kong sinabi sa kanya pero ang totoo masakit na yung sugat ko.

"Meron kang blood arousal o blood lust. Ang may kaso ganito ay nagkakaroon ng anticipation at urge pumatay kapag nakakakita ng murder scene. It gives them pleasure. At kapag hindi nila nacontrol ito habang maaga pa pwede sila maging unstoppable and murderous." Explain nya habang pinupunasan ang ilang baril sa may mahabang mesa.

Tama nga ako. Meron nga ako ng sakit na yon. Hindi ko lang alam na ganito pala ako. Oo aminin ako mahilig ako manuod ng mga brutal movie lalo na yung Walking Dead. Nakakatuwa kasi yung kinakain nila yung tao tapos sumisirit yung dugo habang kinakain nila yung atay at ibang laman loob. It gives me happiness.

"At mukha naman hindi ka nageenjoy sa dugong binuhos ko sayo." Sabi nya habang sumandal na at nag ekis ng balikat at tumingin sa akin.

"O ano naman ibig sabihin non at hindi naman to dugo ng tao." Kumunot ang noo ko sa kanya at inikot ang mata ko. Ang lansa kasi ang dugo ng tao walang amoy

The Red AssassinWhere stories live. Discover now