Chapter 4

1.7K 72 93
                                    

Napabangon ako bigla sa higaan ko. Habol-habol ang hininga habang ang kamay ay nasa dibdib. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko.

"Bangungot na naman," bulong ko sa sarili ko. Ilang gabi ko nang paulit na napapanaginipan ang nangyari sa akin. Hindi mawala sa isip ko.

Nakaabot kila mama at papa ang nangyari sa akin kung kaya't pinapayuhan nila akong magpaalam kapag aalis ako. Nilagyan din nila ng tracker ang cellphone ko para alam nila kung saan ako hahagilapin. Hindi pa rin kasi nahuhuli 'yong lalaking nanamantala sa akin.

Tiningnan ko ang orasan sa may kalapit na lamesa. 6:30 a.m. na pala! Lagot! Male-late na ako! Shemay naman!

Agad akong tumayo at dumeretso sa banyo para maligo. Unang araw nga pala ngayon ng klase kaya dapat hindi ako ma-late baka pumangit ang inspiration ko sa magiging professor ko. First insipiration ba 'yon o impression? Ay, ewan!

Naalala ko na naman 'yong napanaginipan ko kanina.

Pero, panaginip lang naman 'yon 'di ba? Napabuntong-hininga ako. Kada lalabas ako ng bahay, natatakot na ako. Huwag na lang kaya akong mag-aral?

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay bumaba na ako.

"Oh, Jean, late ka na. Kumain ka na lang nang mabilis," pagyayaya ni mama. Kumuha na lang ako ng tinapay at pinasak sa bibig ko bago ko niyakap si mama. Nilagyan din ni mama ng lunch box ang bag ko. Parang elementary lang, oh! Wala bang zesto at fudgee barr d'yan?

Buti nalang walking distance lang 'yong university na papasukan ko. Taray, walking distance! Pero 'yon, nga, lalabas lang sa subdivision at lalakad ng kaunti tapos ayon na. Agad-agad!

"Ma, alis na po ako," paalam ko kay mama bago siya halikan sa pisngi at magmano.

"Sige, mag-iingat ka. Heto nga pala, personal safety keychain."

Iniabot sa akin ni mama ang palawit na may iba't ibang bagay na nakasabit. Ipinaliwanag niya rin kung para saan iyon.

Papaalis na ako nang hindi sinasadya na madanggi ni mama 'yong baso na ininuman ko. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ma, ipapulot mo na lang po 'yan kay kuya baka masugatan kayo. Aalis na po ako, ma," paalam ko habang nagpapatay-malisya sa nararamdamang takot. Hindi na rin ako mapalagay. Paano kung may makita akong itim na pusa sa daan? Shems. Huwag na lang kaya akong pumasok?

"Heather Jean..." tawag sa akin ni mama. Nilingon ko s'ya at nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Pinaghalong kaba at takot. "Po?"

"May balat ka ba sa puwet?"

Sinamaan ko ng tingin si mama.

"Aalis na talaga ako!" sigaw ko.

"Mag-ingat ka!" pahabol niyang sigaw.

Lumabas na ako sa bahay at naglakad. Pagtingin ko sa relo ko ay 6:57 a.m. na. Tatlong minuto na lang at alas syete na! Nako naman!

Tumakbo na ako nang mabilis. Siguradong haggardous verzosa ako pagpasok ko sa school. Nakakahiyang inspiration 'to! 'Di bale, maganda pa rin ako!

Nakalabas na ako sa subdivision namin. Talagang iniwasan kong dumaan doon sa daang tinahak ko noong nag-jogging ako dahil ayaw ko nang maranasan at maalala pa ang nangyari.

Tanaw na tanaw ko na ang university namin. Sa wakas! Abot pa ako! Tatawid na lang ako at makakapasok na sa gate. Sandali, hanapin ko pa pala ang room ko bakit kasi—huli na nang mapansin kong may paparating na sasakyan na babangga sa 'kin. Narinig ko pa ang malakas na tunog ng pagpreno nito pati na rin ang tunog ng malakas na pagbagsak ko sa sahig.

Langit—ang huli kong nasilayan bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"J-jean? Naririnig mo ba ako? Jean?"

"Jake! Gising na siya! Tumawag ka ng doktor!"

"Jean?" Rinig na rinig ko ang boses ni mama. Alam kong siya 'yon kahit nakapikit ako. Ano bang nangyari?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa paningin ko ang puting paligid. Nasaan ako?

"Jean? Salamat sa Diyos, gising ka na!" maluha-luhang salubong sa akin ni mama bago ako niyakap. "Kumusta ang pakiramdam mo? Anong masakit?"

Hindi ko na nasagot ang tanong ni mama pagka't dumating na ang doktor at mga nurse. May kung ano silang tiningnan sa akin na hindi ko maintindihan kung para saan.

Nakita kong naroon din si kuya Jake at pinagmamasdan ako. Nakasuot siya ng pangtrabaho niya. Umabsent ba siya para sa akin? Eh, katatanggap lang niya!

Nagpaalam muna si mama dahil aasikasuhin daw niya ang bayarin sa hospital at kauusapin na rin ang doctor upang maitanong ang mga kailangan kong gamot.

"Parang sunod-sunod yata ang nangyayari sa 'yo, Jean. May masama ka bang ginawa?" tanong ni kuya nang makalapit siya sa akin.

"Wala 'no!"

"Wala? Baka nakakarma ka. Alalahanin mo baka may nagawan ka ng masama o baka dahil nanggera ka na naman ng mga fans ng JaDine sa comment section? Akala mo, hindi ko nakita? Porque, naniniwala sila sa forever."

"Magbe-break din 'yon! Walang forever!"

"Hoy, baka may makarinig sa 'yo. Sige ka, baka sa susunod malaglagan ka na ng eroplano."

"Huy, 'wag naman!"

Napakagat ako sa labi ko nang subukan kong alalahanin kung may nagawan ba ako ng masama nitong mga nakalipas na araw. Sandali, hindi ko naman minura 'yong tindera 'di ba? Siya naman 'yong masama ang ugali, eh!

Teka muna, hindi kaya dahil doon sa lalaking nabangga ko ng bisikleta? Hala, oo nga! Hindi ako nag-sorry! Siya pa naman ang nagligtas ng buhay ko roon sa rapist. Hindi rin ako nakapagpasalamat kasi bigla siyang nawala noon.

Hindi kaya dahil sa ginawa ko sa kaniya kaya kinakarma ako? Naku po, magpapakabait na po ako. Sa oras na makita ko siya, hihingi na talaga ako ng tawad at buong pusong magpapasalamat.

Biglang kumalam ang sikmura ko. Narinig iyon ni kuya.

"Gutom ka na. Saglit at kukuha ako ng pagkain," paalam ni kuya Jake.

Ilang segundo palang ang nakakalipas nang magsara ang pinto nang muli itong bumukas.

"Oh kuya, bilhan mo ako ng Korean fo—b-bakit ka nandito?"

Akala ko si kuya ang pumasok. Hindi pala kundi 'yong lalaking nagligtas sa akin noong nakaraan. Napalunok ako nang makaramdam ako ng kakaiba. Hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko pa.

"I'm sorry for being careless."

Nagulat ako at totoong napanganga sa narinig ko. Ha? Hindi! Ako ang dapat humingi ng tawad, hindi ba? Iyon ang plano ko!

"P-para saan?"

"Ako 'yong nakabangga sa 'yo."

Napalunok ako. Hindi agad pumasok sa utak ko ang sinabi niya pero bumalik sa alaala ko ang huling nangyari bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Tama, papasok ako noon sa South Middleton University nang may bumangga sa aking kotse. Ibig sabihin, siya 'yon?

Hindi ako makapaniwala. Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan. Anong meron? Bakit ang liit ng mundo? Natatakot na ako.

"O-okay lang. Ako rin, gusto kong humingi ng tawad dahil nabangga kita noong nakaraan. Tsaka s-salamat nga pala sa pagliligtas mo sa akin."

Lumakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi ko siya matingnan nang deretso. Punong-puno ang loob ko ng kahihiyan dahil nakita niya ako sa ganoong kalagayan. Nakakapangliit. Nakakailang.

"It's fine as long as our paths don't cross again."

"H-ha?" Hindi ko gaanong naintindihan ang sinabi niya. Napakamot ako.

"I'll go now."

"H-ha?"

Kasunod no'n ay ang paglabas niya sa kwarto. Ni hindi man lang nagpaalam 'yong mokong na 'yon, ah. Anyway, okay lang. At least nakapagpasalamat na ako sa kaniya at nakahingi na ng tawad. Wala na naman sigurong masamang mangyayari sa akin, 'di ba?

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now