Chapter 26

1.1K 41 15
                                    

Kinabukasan pagkagising ko nakita ko 'yong cellphone kong puro missed calls nila Karen, Maine at Clark. Tiningnan ko ang orasan at alas tres palang ng madaling araw. Nag-ayos na ako para alas singko ng umaga ay papasok na ako sa South Middleton. Naglakad na ako papasok ng room ko at doon ipinagpatuloy ang pagtulog.

Alas sais nang maalimpungatan ako. Wala pa rin 'yong mga kaklase ko sa room kaya naisipan kong bumaba na lang muna. Nakaramdam ako ng lungkot. Sobrang nakakalungkot pala kapag mag-isa ka lang.

Bakit kaya wala akong makitang estudyante? Wala bang pasok ngayon? O late lang silang lahat? Teka, gising naman ako 'di ba? Hindi naman ako nananaginip. Bakit parang hindi sumisikat ang araw?

Pumunta ako sa garden. Naalala ko tuloy no'ng nag-review kami nila Maine at Karen dito. 'Yong araw na nakakota sila sa 'kin ng sapok. Napangiti ako. Ang boring siguro ng buhay ko kung wala sila.

"Nagkita kayo ni Jean? Alam niya ba ang tungkol sa atin?"

Napatigil ako sa pagmumunimuni nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko si Sheen at Arthur na nag-uusap doon sa may sulok kung saan maraming puno.

"Kilala mo si Jean?" nagtatakang tanong ni Arthur. Naalala kong hindi ko nga pala sinagot ang tanong niya noon.

"Oo! Kaklase ko siya! At ang kapal ng mukha niyang ipahiya ako sa harap ng mga kaibigan niya. Kahit kailan talaga bwisit siya sa buhay ko!"

"Huminahon ka. Mukha namang mabait ang taong 'yon. Ano bang ginawa niya sa 'yo? Bakit nanggagalaiti ka?"

"Ipinagmamalaki niyang nagkita at nagdate daw kayo!"

Tumawa naman si Arthur. "Ikaw kasi, bakit hindi mo ako sinipot?"

"Kahit na. Dahilan ba 'yon para maghanap ka ng iba?"

"Hindi naman ako naghanap ng iba. Ikaw lang ang mahal ko, Sheen."

Tila ba sa nga salitang iyon ay nahipnotismo si Sheen.

"Mahal din kita, Arthur." Napahawak ako sa bibig ko habang pinagmamasdan silang dalawang nagyakapan at naghalikan. At sa harap ko pa sila naglampungan? Sabagay, hindi nga pala nila alam na narito ako. Ipinagpatuloy ko lang ang pakikinig sa pag-uusap nila.

"Bakit kasi kailangan mo pang magkunwaring mahal mo si Raven? Hindi ba pwedeng hayaan mo na lang siya? Nandito naman ako. Hindi ba ako sapat? Pwede naman tayong maging masaya nang tayo lang."

Oo nga, bakit ba hindi siya marunong makuntento at niloloko niya pa si Raven?

"Hindi ako magiging masaya habang masaya silang lahat. Sisirain ko sila gaya ng pagsira nila sa akin noon."

Napanganga ako sa mga narinig ko. Anong nagawa namin para maging ganito siya? Hindi ko maalalang sinira ko siya o nakipagtulungan ako kina Karen na manira ng tao.

"Matagal na 'yon, Sheen. At hindi naman nila sinasadya. Hindi mo rin kailangang idamay ang ibang tao kung wala naman silang ginagawa sa iyo."

"Oh, si Jean ba ang tinutukoy mo? Nahulog na ba ang puso mo sa kaniya? Isang beses palang kayong nagkikita, ipagpapalit mo na kaagad ako?"

Totoong nakakapanghilakbot ang mga naririnig ko. Hindi ko inaasahang ganito pala kabasura ang ugali ng babaeng hindi makabasag pinggan at hinahangaan ng lahat. Totoo ngang sa likod ng magandang mukha, may tinatago siyang pangit na ugali.

"Hindi totoo 'yan. Alam mong ikaw lang ang mahal ko."

"Kung gano'n, hintayin mo lang ako. Hintaying mong matapos ko ang mga plano para maging masaya na tayong dalawa."

Mga plano...Anong mga plano?

Napasinghap ako nang muli ko silang makitang naghalikan. Paano niya naaatim na humalik ng ibang lalaki gayong hinahalikan niya si Raven?

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now